ni Mary Gutierrez Almirañez | March 22, 2021
Pinapayagan nang magbakasyon o mag-staycation sa Holy Week ang publiko na nasa ilalim ng National Capital Region at kalapit na probinsiya katulad ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal, batay sa Department of Tourism (DOT) ngayong umaga, Marso 22.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette-Romulo Puyat, "Nakausap ko na ang lahat ng airlines, sinabi naman nila, puwede mag-rebook nang walang penalty ang hotel and restaurant associations.”
Sa kabila nito, pinapayagan lamang makapagbakasyon ang mga hindi bababa sa edad 15 at 65-anyos pataas na indibidwal.
Iginiit din niya ang hininging timeout ng mga doktor at health expert dahil nanganganib na mapuno ang mga ospital sa patuloy na paglobo ng COVID-19, partikular na sa Metro Manila. Aniya, “Humingi ang mga doktor kung puwede, timeout muna.
Nakakalungkot pero siyempre, kailangang mapagbigyan ang mga doktor. Sabi naman nila, 2 weeks lang pero nakakalungkot kasi bumubuwelo na tayo,
Holy Week, madaming aalis.” Sa ngayon ay umiiral na sa NCR ang panibagong restrictions sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) na magtatagal hanggang sa ika-4 ng Abril.
Ipinatupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga bagong guidelines matapos maitala ng Department of Health (DOH) ang 663,794 na kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa.