top of page
Search

ni Lolet Abania | May 30, 2022



Pinili ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Liloan Mayor Christina Frasco para mamuno sa Department of Tourism (DOT) sa ilalim ng kanyang administrasyon.


Si Frasco, na nagsilbi bilang campaign spokesperson ni Vice President-elect Sara Duterte-Carpio, ay nanalo naman sa kanyang re-election bid bilang Liloan mayor.


“She was awarded the prestigious Presidential Lingkod Bayan Regional Award by the Civil Service Commission in its 2021 search of outstanding government workers for her exemplary performance as a local chief executive through proactive initiatives towards innovation in governance and sustainable and inclusive programs fostering excellence in government service,” sabi ni incoming Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa isang press conference ngayong Lunes.


“She was a top-performing mayor in Central Visayas ranking number 1 among 116 mayors in the entire region 7 and ranking 1 among all 44 mayors in the province of Cebu,” ani pa Cruz-Angeles.


Si Frasco ay anak ni Cebu Gov. Gwendolyn Garcia, na siyang head ng ONE Cebu, ang pinakamalaking political coalition sa Pilipinas at itinuturing na most vote-rich province.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 15, 2021



Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga biyahero na nagpapakita ng pekeng negative COVID-19 test result lalo na sa mga tourist spots sa bansa.


Sa public address ni P-Duterte, inatasan niya ang Philippine National Police (PNP), Department of Tourism at mga local government units (LGUs) na arestuhin ang sinumang mamemeke ng COVID test result.


Saad ni P-Duterte, "'Wag ho ninyong gawin 'yan at makokompromiso kayo. Pati 'yung gastos ninyo. Kindly check twice over where you have genuine certificate.


"Arrest those presenting fake tests and enforce strict compliance of protocols of local tourist.”


Samantala, una nang sinabi ng PNP na ang sinumang mahuhuling namemeke ng COVID-19 test result ay pagmumultahin ng aabot sa P50,000 at pagkakakulong ng isa hanggang anim na buwan.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 8, 2021



Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang point-to-point air travel para sa mga leisure activities mula sa NCR Plus areas na binubuo ng Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna, at Cavite, ayon sa Malacañang noong Biyernes.


Pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, “Inaprubahan at in-adopt ng inyong IATF ang Guidelines on Point-to-Point Air Travel for Leisure Purposes from the NCR Plus areas of the Department of Tourism (DOT).


“Antayin po natin at abangan ang mga guidelines ng DOT tungkol dito pero pupuwede na pong pumunta sa mga tourist spots pero point-to-point po ‘yan.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page