top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 20, 2021




Kailangan na munang magsumite ng permit ang bawat organizer ng ‘community pantry’ bago iyon isagawa sa kanilang lugar upang maiwasan ang banta ng COVID-19, ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño ngayong Martes, Abril 20.


Aniya, “I think now they need a permit from the local mayor, or the barangay. Una, paisa-isa lang ‘yan. Ngayon kasi, dinumog na ng tao, ibig sabihin, wala nang control, pati 'yung protocol ngayon ay na-violate na.”


Kaugnay nito, pansamantalang inihinto ang pamimigay ng pagkain sa Maginhawa Community Pantry dahil sa umano'y ‘red-tagging’. Matatandaang sa Maginhawa, Quezon City nagsimula ang community pantry kaya na-inspire ang ilang organizers na mamigay din ng charity food sa iba’t ibang lugar.


Batay pa sa Facebook post ng organizer na si Anna Patricia Non, “Pause po muna ang #MaginhawaCommunityPantry para sa safety po namin ng mga volunteers. Malungkot po dahil hindi muna maipapamahagi ang goods na inihanda namin buong maghapon dahil po sa #RedTagging na nagaganap. Mabigat sa pakiramdam ko kasi maganda po ang intentions ko noong binuo ko ang #CommunityPantry at ilang araw na din po na napakaraming pinagsisilbihan nito at ganu’n din po ang tulong na dumadating.”


Sa ngayon ay humihingi siya ng tulong kay Quezon City Mayor Joy Belmonte para sa kanilang kaligtasan mula nu’ng kunin ng 3 pulis ang cellphone number niya’t nagsimulang usisain kung anong organisasyon ang kinabibilangan niya.


"Natatakot po ako maglakad mag-isa papunta sa Community Pantry ng alas-singko ng umaga dahil po sa walang basehang paratang sa amin. Gusto ko lang po talaga makatulong at sana po ay huwag n'yong masamain,” paglilinaw pa niya.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 11, 2021




Hindi sapat ang 2 linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus na kinabibilangan ng Metro Manila, Laguna, Rizal, Bulacan at Cavite upang mapigilan ang patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at OCTA.


Pahayag ni DILG officer-in-charge Bernardo Florece Jr., “Almost 2 weeks na tayo pero ‘di pa natin ganap na nararamdaman 'yung epekto nito, so probably another week will be enough.


"Pero at the end of the day, of course ang nagde-debate r’yan, members ng IATF at inaaral talaga kung ano ang rekomendasyon pero babase talaga sa available data sa science. 'Yun ang pinagbabasehan ng IATF.”


Noong March 29, isinailalim ng pamahalaan sa ECQ ang NCR Plus dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19 at nakatakda itong matapos ngayong araw, April 11.


Samantala, maging ang OCTA Research Group ay nais ding palawigin ng pamahalaan ang pagsasailalim sa NCR Plus sa ECQ.


Ayon sa monitoring report ng OCTA, mula sa 1.88 na reproduction number o bilang ng mga taong nahahawahan ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 bago ipatupad ang ECQ sa NCR Plus, bumaba ito ng 1.23 simula noong April 3 hanggang 9.


Saad pa ng OCTA, "The positivity rate in the NCR was 25 percent over the past week... the ECQ has been effective in reducing the growth rate and reproduction number in the NCR. There is hope that the NCR will be on a downward trend by next week.


"Extend the ECQ for another week to continue to slow down the surge, decongest our hospitals and relieve the pressure on our healthcare workers."


Panawagan din ng OCTA sa pamahalaan, isailalim sa modified ECQ ang NCR Plus kung hindi posibleng panatilihin ang ECQ.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 6, 2021




Binalaan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga opisyal na mamimigay ng maling ayuda sa bawat barangay.


Ayon kay DILG Undersecretary Martin Diño ngayong Abril 6, “Hindi lang po namin kayo ipatatanggal, ang gusto ni Presidente ipakulong na kayo, 'yung mga gagawa ng pamimili. 'Yung iba, kokotongan pa ‘yung mga nabigyan. ‘Yung iba, hahati-hatiin. ‘Wag na dahil nasubukan na natin ito nu’ng first tranche.”


Dagdag pa niya, “Nakita n’yo naman na kahit sa social distancing ay nagsususpinde na kami ng mga tao kaya ayusin n’yo, lalo na roon sa mamimigay ng ayuda. Huwag n’yong pakialaman ‘yan. Inuulit namin dahil baka iyan pa ang ikatanggal ninyo sa puwesto o baka ikakulong n’yo na ngayon... Magmula sa mayor hanggang sa mga barangay captain."


Ipinaliwanag niya na mayroon lamang 15 araw ang mga mayor para ipamahagi ang cash na ayuda, habang 30 araw naman kung in-kind goods.


Nilinaw din ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya ang ipinagkaiba ng cash at in-kind goods na maaaring matanggap ng mga residente sa NCR Plus Bubble.


Aniya, “Ito pong ipinamigay na relief goods ay mula po iyan sa local government... Ito pong unang wave ng ayuda na mga food items, ito po ay mula sa inyong local government unit. At ‘yun namang paparating na cash ay galing naman po sa national government… May isang ayuda from local, may isang ayuda from the national. 'Yung local ay nagsisimula na at namimigay na. ‘Yung national, magsisimula ngayong linggo. So itong mga ayudang ito, ito ‘yung ipamimigay ng pamahalaan sa panahon ng ECQ, whether may extension o wala.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page