top of page
Search

ni Lolet Abania | June 12, 2022



Hinimatay si Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana sa kasagsagan ng isinasagawang programa sa pagdiriwang ng ika-124 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ngayong Linggo, Hunyo 12 sa Rizal Park sa Maynila.


Sa isang cellphone video, kitang tila nahilo habang tuluyang nawalan ng malay si Lorenzana na dahan-dahang bumabagsak.


Sinubukan naman ni Manila Vice Mayor at incoming Mayor-elect Honey Lacuna na saluhin ang 73-anyos na opisyal at agad ding isinugod sa ospital. Gayunman, ilang oras matapos ang insidente, nag-post na sa kanyang Facebook page si Lorenzana.


Sinabi nitong ang kakulangan ng pahinga ang posibleng sanhi ng kanyang pagkahilo. “My lack of rest and sleep from my recent successive international security engagements may have taken its toll on me. Late na kami nakabalik from Singapore, tapos napakainit pa sa Luneta kanina,” pahayag ni Lorenzana sa isang statement, ilang oras matapos na himatayin ngayong umaga sa naturang okasyon.


“I’m fine now. Just resting since the results of the tests conducted earlier are okay,” saad ni Lorenzana sa isang mensahe na ipinadala niya mula sa ospital. “As the saying goes, a true soldier always gets up quickly after a fall,” dagdag pa niya.


Nagpasalamat naman ang kalihim sa mga nagpaabot ng pag-aalala sa nangyari sa kanya. Kinamusta rin nina Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Christopher “Bong” Go via video call si Lorenzana habang sinabi nito sa Pangulo na nasa maayos na siyang kondisyon sa ngayon.


Una rito, pinangunahan ni Pangulong Duterte ngayong Linggo ang paggunita ng bansa sa ika-124 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Rizal Park sa Manila. Ang okasyon ay may temang “Kalayaan 2022: Pagsuong sa Hamon ng Panibagong Bukas,” kung saan pinamunuan ng Pangulo ang flag-raising ceremony at wreath-laying para sa naturang event.


Hiniling ng outgoing Chief Executive sa mga Pilipino na aniya, “take to heart all the humbling learnings from the past, especially the countless hardships that we had to endure as a people.”


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 10, 2022


Nakatanggap ang Department of National Defense (DND ng P1 billion worth ng military equipment mula sa China para sa rehabilitation ng Marawi City at iba pang humanitarian assistance at disaster response operations nitong Miyerkules.


Ang equipment ay donated ng Ministry of National Defense of the People’s Republic of China, ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.


“This military grant from China speaks volumes on how our two nations can be civil, diplomatic, and friends despite some issues on territorial claims,” ani Lorenzana sa ceremonial handover ng donated equipment.


Ang mga naturang donasyon ay binubuo ng iba’t ibang rescue and relief equipment, drone systems, detectors, water purification vehicles, ambulances, firetrucks, X-ray machines, EOD (explosive ordnance disposal) robots, bomb disposal suits, transport vehicles, backhoes, dump trucks, forklifts, at earthmovers.


Dumating ang shipment nito noong Enero 16 bilang parte ng pangako ni Chinese Gen. Wei Fenghe noong bumisita ito sa Maynila noong 2020.


Samantala, inaasahan ding ide-deliver sa mga susunod na panahon ang second batch ng mga equipment na nagkakahalagang 54 million renminbi (nasa P435 million).

 
 

ni Lolet Abania | June 21, 2021



Magsasagawa ng pag-aaral ang Department of National Defense (DND) upang mapahusay pa ang proposed bill na magpapabago sa sistema ng pensiyon para sa military and uniformed personnel (MUP).


Sa isang statement ngayong Lunes, ipinunto ni DND Director Arsenio Andolong na nais tiyakin ng ahensiya na ang mga MUPs ay makatatanggap pa rin ng nararapat na retirement benefits, ngunit kailangang pag-aralang mabuti ang sistema.


“A careful study of our fiscal situation, gathering of suggestions from concerned stakeholders especially in our Armed Forces, and further deliberations will be undertaken and considered to fine-tune the proposed bill,” ani Andolong.


Ang MUP pension system na kasalukuyang tinutustusan ng gobyerno ay maaaring hindi na mapanatili sa mga susunod na taon dahil magiging malaking pasanin na ito sa mga taxpayers. Sinabi rin ni Andolong na ang pension system ay kailangang i-review kung saan nakatuon dapat sa pag-generate at pagpapanatili ng isang self-sustaining fund upang makabawas sa pansanin ng gobyerno sa pananalapi.


Gayunman, ayon kay Andolong, ang panukala hinggil sa MUP pension reform ay patuloy na tinatalakay sa Kongreso. Noong June 9, inaprubahan naman ng House ad hoc committee on military and uniformed personnel pension system ang amended substitute bill para sa panukalang reporma sa pension system.


Ipinanukala ng naturang panel ang mga sumusunod na reforms:

• no more automatic indexation

• no contribution

• pension increased based on cost-of-living adjustment (cola)

• pensionable age at 60

• optional retirement after 20 years but eligible only for non-pension benefits; pension eligibility begins at 60

• higher risk insurance coverage for wounded, injured, and killed in action (on top of legislated benefits)

• creation of MUP trust fund to manage insurance fund, provision for cola and budgetary support to capital outlay and MOOE of mus

• leeway towards initiating credible defense posture


Matatandaang nagbabala si Albay Representative Joey Salceda, ang panel chairperson, hinggil sa lumalaking krisis sa pension system na kung hindi magkakaroon ng reporma ang gobyerno ay maaaring matulad sa P9.6 trillion unfunded reserve deficit.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page