top of page
Search

ni Lolet Abania | October 7, 2021



Natanggap na ng Pilipinas nitong Miyerkules ang P46 milyon halaga ng disaster response equipment mula sa Japan, ayon sa Department of National Defense (DND).


Sa isang statement ng DND ngayong Huwebes, isang ceremonial handover at blessing ceremony ang ginanap sa Philippine Army Headquarters sa Taguig City.


Si Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa, ang siyang nag-represent para sa donasyon ng gobyerno ng Japan na mga life boats at vests, chainsaws, digging tools, at lighting apparatus na may generators.


Labis naman ang pasalamat ni DND Secretary Delfin Lorenzana sa Japan sa mga naturang donasyon, kung saan inaasahang magpapahusay ang mga kagamitan ito sa disaster response assets at kapabilidad ng Armed Forces of the Philippines.


“While we pray that nothing will require their use in the near future, we are comforted by the fact that our Armed Forces is better-equipped to respond to our people’s call for help in any eventuality,” sabi ni Lorenzana.


Ayon sa DND, ang mga equipment ay nakatakdang i-turn over sa Army’s 51st Engineering Brigade, ang unit na naatasan bilang standby disaster response unit sa National Capital Region at kalapit na lugar.

 
 

ni Lolet Abania | May 27, 2021



Dalawang kawani ang patay habang dalawa naman ang sugatan matapos ang pagsabog na naganap sa isang primer composition mixing facility ng Explosives Division ng Department of National Defense (DND)-Government Arsenal (GA) sa Limay, Bataan nitong Miyerkules.


Kinilala ni GA Director Arnel Rafael Depakakibo ang mga nasawi na sina Ricardo Solomon, 40, at Marvin Tatel, 38.


Ang dalawa namang nasugatan na duty din nang oras na iyon ay sina Macreldo Rodriguez, 57, at Allan Wisco, 36.


Sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang pagsabog habang inihahanda ng mga biktima ang priming composition para sa mga bala ng caliber .45.


Ayon kay Depakakibo, nagsasagawa na ang GA ng hiwalay na imbestigasyon sa naging sanhi ng pagsabog, at isusumite nila ang buong report sa DND.


“Meanwhile, we are looking after the welfare of the families of the victims and ensuring that the two other affected personnel are receiving the appropriate medical attention,” ani Depakakibo.


Iniutos na rin ni Police Regional Office 3 director Police Brigadier General Valeriano na magsagawa ng hiwalay na pagsisiyasat sa naging dahilan at pinagmulan ng pagsabog.


Ayon naman sa Bataan Provincial Police Office director na si Police Colonel Joel Tampi, bandang alas-10:45 ng umaga kahapon nang makarinig sila ng pagsabog sa Bldg. 27 ng DND Government Arsenal.


Isang bahagi ng gusali at iba pang mga makina ang napinsala dahil sa pagsabog.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 25, 2021



Darating na ang first batch ng T-129 attack helicopters na binili ng Pilipinas sa Turkey sa Setyembre, ayon sa Department of National Defense (DND).


Pahayag ni DND Spokesperson Arsenio Andolong, “Based on latest developments, we are expecting the first two units of T-129 Attack Helicopters for the Philippine Air Force to be delivered this September.”


Aniya pa, anim na T-129 helicopters mula sa Turkish Aerospace Industries ang binili ng Pilipinas. Inaasahan namang darating sa bansa ang 2 pang helicopters sa February, 2022 at ang iba pa ay sa February, 2023.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page