ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 1, 2021
Nilagdaan na nina Justice Secretary Menardo Guevarra at Interior Secretary Eduardo Año ngayong Martes ang guidelines para sa mga tagapagpatupad ng batas atbp. ahensiya ng pamahalaan kaugnay sa paghawak ng mga kasong paglabag sa health protocols.
Saad pa ni Año, “The joint memorandum circular (JMC) likewise clarifies our agencies' roles in handling quarantine-related violations beginning from arrest, investigation, detainment, then to filing of charges, legal processing to dismissal of case, punishment, until the eventual release of the person.”
Idiniin naman ni Guevarra na ang naturang guidelines ay para sa mga law enforcers at sa mga opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at National Prosecution Service of the Department of Justice (DOJ).
Aniya pa ay kailangang nakabase rin sa mga ordinansang ipinatutupad ng mga lokal na pamahalaan ang actions of authorities.
Saad pa ni Guevarra, “Law enforcement agents, and this goes also to our local government officials, they should be very familiar with ordinance prevailing or in effect in their place because that is the legal framework of what they can do and cannot do."