ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 6, 2020
Sinigurado ng Department of Health (DOH) ngayong Biyernes na wala pang naiuulat na kaso ng bacterial disease na brucellosis sa Pilipinas matapos mabalita ang outbreak sa northwest China.
Pahayag ng DOH, “There are documented reports of cases of Brucellosis in China. The Philippines has not reported any case of Brucellosis to this date.” Ang brucellosis ay nakukuha sa pagkakaroon ng close contact sa infected animals, pagkain o pag-inom ng kontaminadong animal product at paglanghap ng airborne agents at maaaring magdulot ng lagnat, pananakit ng kasukasuan at sakit ng ulo.
Nakikipag-ugnayan din umano ang DOH sa Philippine Inter-Agency Committee on Zoonoses, Department of Agriculture Bureau of Animal Industry, at Department of Natural Resources upang ma-monitor kung mayroon nang kaso ng brucellosis sa bansa.
Saad ng DOH, “Equipped with our ASEAN Biodiaspora Virtual Center, an artificial intelligence system to monitor international cases of infectious diseases and the coordinated surveillance with other member agencies… Are in place to ensure that cases of Brucellosis do not go unreported in the country.”
Noong Huwebes, mahigit 6,000 katao sa Lanzhou, China ang nagpositibo sa naturang bacterial disease na nagmula umano sa biopharmaceutical plant na gumagawa ng vaccines noong 2019.