top of page
Search
  • BULGAR
  • Apr 11, 2023

ni Madel Moratillo | April 11, 2023




Nakapagtala ng 1,944 kaso ng COVID-19 sa bansa nitong nakalipas na linggo.


Sa datos ng Department of Health, mula Abril 3 hanggang 9, ang average na arawang kaso ng virus infection ay 278.


Mas mataas ito ng 13% kaysa naitala noong Marso 27 hanggang Abril 2.


Nakapagtala naman ng 17 bagong kaso ng kritikal at severe habang may 30 naman ang nadagdag sa listahan ng nasawi.


Sa 30 deaths na ito, 1 ang nasawi noong Disyembre, 3 noong Enero ng 2022 at ang iba ay sa ibang buwan na ng 2021 at 2020.


 
 

ni Madel Moratillo | March 22, 2023



Naalarma na ang Department of Health (DOH) sa mistulang pagkakaroon ng epidemya ng obesity sa bansa. Pangamba ni DOH OIC Maria Rosario Vergeire, maaari itong magdulot ng pagtaas ng mga kaso ng non-communicable diseases.

Batay sa survey, 1 sa bawat 10 batang Pinoy o katumbas ng 14% ay overweight.

Habang nasa 13% o 1 sa bawat 10 Pinoy adolescents ay obese na.

Ganito rin ang nakita sa mga matatanda o adult.

Batay aniya sa survey, 3 sa bawat 10 lactating mothers at 4 sa bawat 10 iba pang adults ay overweight.

Ayon kay Vergeire, ang pagkain ng hindi masustansyang pagkain at kawalan ng regular na mga pisikal na aktibidad ay pangunahing dahilan ng paglala ng problema sa obesity sa bansa.

Ayon sa World Health Organization, ang non-communicable diseases ay 70% dahilan ng kamatayan sa Pilipinas.

Nabatid na may 511,748 Pinoy noong 2019 ang namatay dahil sa non-communicable diseases.


 
 

ni Madel Moratillo | February 7, 2023




Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang mga nasa pribadong sektor na huwag munang bumili ng COVID-19 bivalent vaccines.


Paliwanag ni DOH OIC Maria Rosario Vergeire, ito ay para maiwasan ang pagkasira ng mga bakuna. Marami pa aniya ang supply ng monovalent vaccines sa bansa na puwedeng gamitin para sa booster dose.


Ayon kay Vergeire, sa ngayon ay nasa 26 milyon pa ng COVID-19 vaccines ang hindi pa rin nagagamit sa bansa.


Sa bilang na ito, 16 milyong doses ang nasa national warehouse habang ang 10 milyon pa ay naipamahagi na sa mga lokal na pamahalaan.


Bukod pa aniya ito sa 24 milyong doses ng bakuna na expired na.


Una rito, sinabi ng DOH na inaasahang sa Marso ay darating na sa bansa ang 1 milyong doses ng bivalent vaccines na donasyon mula sa COVAX facility.


Prayoridad mabigyan nito ang mga healthcare workers, senior citizens, at person with comorbidities. Ang bivalent vaccines ay Omicron specific variant na bakuna.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page