top of page
Search

ni Madel Moratillo | April 27, 2023




Pinabulaanan ng Department of Health na ibabalik ang mandatory face mask policy kasunod ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.


Ang paglilinaw ay Ang paglilinaw ay ginawa ng DOH matapos mag-viral sa social media ang post patungkol sa muling pagpapatupad ng mandatory face mask.



Nilinaw din ng kagawaran na nananatili ang Metro Manila sa Alert Level 1 hanggang Abril 30.


Ayon sa DOH, sa kasalukuyan ay pinag-aaralan ang rekomendasyon nila na decoupling ng kasalukuyag Alert Level System.


Muli namang nagpaalala ang DOH sa publiko na maging maingat sa pag-share ng mga impormasyon sa social media.


 
 

ni Madel Moratillo | April 19, 2023




Sa kabila ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa bansa, hindi pa rin inirerekomenda ng Department of Health na ibalik ang mandatory na pagsusuot ng face mask.


Paliwanag ni DOH OIC Maria Rosario Vergeire, kahit tumataas ang mga kaso, ito naman ay hindi pa dapat ikabahala.


Nananatili pa rin aniyang manageable ang health system ng bansa.


Sa monitoring ng DOH, mula sa 274 kaso kada araw nitong nakaraang linggo ay 371 ang naitalang kaso kada araw ngayon.


Ang COVID positivity rate naman, tumaas din mula sa 6.9% sa 7.6%.


Paalala lang ni Vergeire sa publiko, tignan ang sitwasyon kung kailangan mag-face mask o hindi.


 
 
  • BULGAR
  • Apr 18, 2023

ni Madel Moratillo | April 18, 2023




Tumaas ng 23% ang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa nitong nakaraang linggo.


Sa datos ng Department of Health, mula Abril 10 hanggang 16, nakapagtala ng kabuuang 2,386 kaso ng virus infection.


Ayon sa DOH, ang arawang kaso ng impeksyon ay 341.


Nakapagtala naman ng 17 bagong kaso ng severe at kritikal habang nadagdagan naman ng 20 ang listahan ng nasawi.


Pero ayon sa DOH, walang naitalang nasawi mula Abril 3 hanggang 16 at ang 20 deaths na ito ay sa mga buwan ng 2022 at 2021.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page