top of page
Search
  • BULGAR
  • May 14, 2023

ni Madel Moratillo | May 14, 2023




Nakapagtala ng 2,065 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa kahapon Mayo 13.


Sa datos ng Department of Health, umabot na ngayon sa 15,527 ang aktibong kaso ng COVID sa bansa.


Sa kabuuan, umabot na sa 4,113,093 ang tinamaan ng virus sa bansa, pero 4,031,113 rito ang nakarekober na.


May 66,453 naman na kabuuan ang nasawi dahil sa virus.


Ang National Capital Region, Calabarzon, Central Luzon, Western Visayas at Bicol region naman ang top region na may pinakamaraming kaso sa nakalipas na 2 linggo.


 
 
  • BULGAR
  • May 9, 2023

ni Madel Moratillo | May 9, 2023




Nakapagtala ng 9,465 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong nakalipas na linggo.


Sa datos ng Department of Health, mula May 1 hanggang 7, umabot sa 1,352 ang average na arawang kaso ng COVID sa bansa.


Mas mataas ito ng 112% kung ikukumpara sa naitala noong Abril 24 hanggang 30.


May 50 namang naitalang bagong kaso ng severe at kritikal habang may 9 na nadagdag sa nasawi. Sa 9 na namatay, ang 1 rito ay nitong Abril, 2 noong Marso, at ang iba ay sa ibang buwan ng 2022.


 
 

ni Madel Moratillo | May 5, 2023




Iginiit ng Department of Health (DOH) na hindi dapat mag-panic ang publiko sa kabila ng tumataas na bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.


"We don't need to panic. Ang tinitignan na natin kasi po ngayon 'yung healthcare system capacity, if it's manageable then we are good," ani DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.


Ayon pa kay Vergeire, nag-a-average sa 822 kaso kada araw ang mga kaso ng COVID, 79 porsyento na mas mataas sa nakalipas na 2 linggo. Karamihan umano rito'y mild at asymptomatic, at wala ring masyadong naoospital.


Inabisuhan na umano ang mga ospital na ihanda ang COVID beds sakaling tumaas pa ang mga kaso.


Ipinaliwanag pa ni Vergeire na posibleng tumataas ang mga kaso dahil sa mga variant ng COVID-19, "mobility" ng populasyon, at vulnerability ng indibidwal.


Sa ngayon, wala pang plano ang DOH na ibalik ang mandatory na pagsusuot ng face mask.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page