ni Madel Moratillo | May 21, 2023
Binalaan ng Department of Health ang publiko sa kumakalat na artikulo patungkol sa umano’y ‘lunas’ sa hypertension.
Sa inilabas na advisory ng DOH, binigyang-diin nito na mali ang nasabing artikulo dahil hindi aprubado o rekomendado ng ahensya at ng mga attached units nito ang nasabing gamot.
Paalala ng DOH sa publiko na magbasa lamang ng mga health information mula sa mga lehitimong sources at platforms gaya ng Health department.
Ayon sa World Health Organization, ang hypertension o high blood pressure ay isang common ngunit manageable na uri ng non-communicable disease.
Paalala ng DOH, puwede namang maiwasan ang nasabing sakit kung magkakaroon ng healthy lifestyle at habits gaya ng tamang diet at regular na pag-eehersisyo.