ni Madel Moratillo | June 14, 2023
Tiniyak ni Health Secretary Teodoro Herbosa na maghahanap siya ng solusyon para hindi na mag-abroad ang mga Pinoy nurse at manatili na lang sa Pilipinas.
Ayon kay Herbosa, sa ngayon ay nasa 4,500 ang bakanteng plantilla position sa Department of Health pa lang.
Aminado ang kalihim na kung malaking sahod ang pag-uusapan, mahihirapan silang pigilan ang mga nurse kaya maghahanap sila ng paraan para mapigilan ang mga nurse na mangibang bansa.
Ayon kay Herbosa, mahirap ang buhay sa ibang bansa.
Sa ngayon, tinitignan aniya ng DOH ang mga lisensyadong nurse na nagtatrabaho sa mga BPO, flight at sales industry, at mga piniling maging medical representative.
Ayon kay Herbosa, kailangan ng gobyerno ang mga nurse para sa mga programang pangkalusugan.
Hindi aniya puwedeng maubusan ng mga nurse ang Pilipinas kaya tiniyak niyang aaksyunan ang problema.
"If nurses need to be paid, they should be paid. I don't want them to leave the Philippines," ani Herbosa.