ni Madel Moratillo | July 4, 2023
Paiiksiin ng Department of Health ang gamutan sa sakit na tuberculosis.
Ayon kay Health Sec. Ted Herbosa, mula sa dating 6 na buwan o higit pa depende sa uri ng TB, gagawin na lang itong 4 na buwan para sa drug susceptible tuberculosis at 6 na buwan naman para sa drug resistant na TB.
Target aniya itong masimulan sa ikatlong quarter ng 2023.
Ayon naman kay Dr. Kezia Lorraine Rosario, DOH Action officer for TB and HIV, layon nitong matiyak na lahat ay makakatapos ng gamutan.
Batay sa 2022 Global TB Report, isa ang Pilipinas sa 8 bansa na nakakapag-contribute sa kaso ng 2/3 ng kaso ng TB sa buong mundo.
Isa rin ang Pilipinas sa mga bansang nakakadagdag sa bilang ng mga namamatay dahil sa TB, sumunod sa India, Indonesia, at Myanmar.
Ayon kay Herbosa, palalakasin din nila ang case finding at gagamit sila ng makabagong teknolohiya para sa epektibong case detection.
Ayon sa DOH, karamihan sa bagong kaso ng TB ay nakikita nila sa mga tinatawag na people living with HIV.