top of page
Search

ni Thea Janica Teh | December 14, 2020




Umabot sa 300,000 overseas Filipino Workers (OFW) ang napauwi ngayong taon dahil sa COVID-19 pandemic, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Linggo.


Napauwi ng DFA ang 13,537 OFWs ngayong linggo at ito ang pinakamataas na napauwi ng ahensiya simula nang mag-umpisa ang COVID-19 repatriations noong Pebrero. Ayon sa DFA, may kabuuang 300,838 OFWs na mula sa iba’t ibang bansa ang nakauwi na sa Pilipinas matapos bumaba ang ekonomiya at maapektuhan ng COVID-19 ang pinagtatrabahuhang bansa.


“This is the biggest repatriation effort in the history of the DFA and of the Philippines,” sabi ni Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola.


Kabilang sa 59 flights ngayong linggo na dumating sa ating bansa ang Philippine Airlines na nag-uwi ng 319 OFWs mula sa Dammam, Saudi Arabia.


Samantala, bumaba ng 1.4% ang cash remittance ng mga OFWs mula January hanggang September ngayong taon kung ikukumpara noong 2019 sa parehong buwan. Ito umano ang epekto ng pandemya sa libu-libong OFWs na nawalan ng trabaho.


 
 

ni Lolet Abania | October 30, 2020




Bibigyan ng Malacañang si Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Teodoro Locsin Jr. ng 15-araw para magkaroon ng report sa isasagawang imbestigasyon kay Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro na nahuli sa video na nagmamaltrato ng kanyang kasambahay.


"I received Presidential Directive no. 2020-196 directing the DFA to investigate the alleged abusive conduct of the Philippine Ambassador to Brazil. We have 15 days to report to the Presidential Management Staff. It starts NOW," post ni Locsin sa kanyang Twitter.


Pangungunahan nina Consul General to Sydney Ezzedin Tago, Chief of Mission I Jaime Ledda, Narciso Castañeda BAC, at Atty. Ihna Alyssa Marie Santos, FSO IV, HRMO ang nabuong DFA fact-finding team upang imbestigahan ang ginawang ito ng nasabing ambassador.


Gayundin, magkakaroon ng administrative proceedings laban kay Mauro na nasimulan na matapos ang inihaing show cause order ng ahensiya, ayon kay Locsin.


"If there's prima facie case, I issue a Formal Charge prepared by OTLA," sabi ni Locsin sa Office of Treaties and Legal Affairs ng DFA. Ayon kay Locsin, kasabay ng presidential approval, binuo ang hearing panel na magsusumite ng lahat ng report sa Board of Foreign Service Administration (BFSA).


Ang BFSA naman ang magbibigay ng rekomendasyon kay Locsin. Dagdag ni Locsin, ang final recommendation ay manggagaling sa kanya na agad niyang isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte.


“The department's response against Mauro will be severe to the fullest extent of the law,” sabi ni Locsin. Matatandaang ang insidente ng physical abuse na ginawa ni Ambassador Mauro sa kanyang mga kasambahay ay napanood sa CCTV footage na ipinalabas ng isang Brazilian news company kamakailan.


"We will be firm in meting out the appropriate sanctions and administrative or criminal charges on Ambassador Mauro if the results of the DFA's investigation will demand as such," sabi pa ni Locsin. “We would ensure that matters like these will never be tolerated.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page