top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 2, 2023




Nanghimasok ang China sa teritoryo ng 'Pinas, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).


Ito ay matapos malamang ang Navy frigate BRP Conrado Yap ay kasalukuyang nagsasagawa ng kanilang operasyon sa Bajo de Masinloc.


Binigyang diin ng DFA na ang pagpapatrolya ng Pilipinas sa Bajo de Masinloc ay responsibilidad ng Pilipinas sapagkat pag-aari ng bansa ang nasabing karagatan.


Ayon sa DFA, paglabag sa pandaigdigang batas ang ginagawang panghihimasok ng China sa karagatan ng Pilipinas at malinaw na pang-aabala ito sa mga mangingisdang Pilipino.


Matatandaang naging pabor sa 'Pinas ang naging pasya ng tribunal ng taong 2016.


Ang tinatawag na South China Sea, kasama ang nine-dash line, at iba pang aktibidad sa karagatan ng Pilipinas ng bansang China ay labag sa batas.




 
 

Fni Angela Fernando - Trainee @News | November 2, 2023




Matagumpay na nakatawid sa Rafah Crossing ang dalawang Pilipinong doktor sa gitna ng digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas nitong Huwebes, Nobyembre 2.


Kinilala ang dalawang doktor na sina Dr. Darwin dela Cruz at Dr. Regidor Esguerra na kasama sa mga unang mga dayuhan na pinayagang lumabas ng Gaza Strip.


Pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary na si Eduardo de Vega, ligtas na ang dalawang boluntaryong doktor na parte ng grupo ng international humanitarian aid na Doctors Without Borders.


Dinala sila sa el-Arish na nasa 30 km ang layo sa Gaza patungo sa Cairo, Egypt kasama pa ang iba pang mga dayuhan.



 
 

ni Lolet Abania | July 1, 2022



Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si career diplomat Enrique Manalo bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) kapalit ni Teodoro Locsin Jr. Nanumpa si Manalo kay Pangulong Marcos sa Malacañang ngayong Biyernes.


Si Manalo ang unang career diplomat na na-appoint bilang DFA chief ng halos dalawang dekada na matapos ni Delia Domingo Albert, ang kauna-unahang babaeng lider ng departamento.


Ang 69-anyos na si Manalo ay naging acting DFA secretary mula Marso 9 hanggang Mayo 17, 2017, matapos na si Perfecto Yasay ay nabigong makakuha ng confirmation ng bicameral Commission on Appointments (CA) bilang DFA secretary.


Si Manalo, na nagretiro mula sa Foreign Service noong 2018, ay nagsilbi bilang Philippine Permanent Representative to the United Nations sa New York sa ilalim ni dating Pangulong Rodrigo Duterte mula 2020 hanggang Hunyo 30, 2022.


Bago ang kanyang posisyon sa New York, si Manalo ay Undersecretary for Policy ng DFA. Isang experienced diplomat, si Manalo ay nagawa nang humarap sa mga diplomatic crises, kabilang na ang South China Sea disputes, na may impresibong kahinahunan.


Ang mabigat na trabahong ito ay muling iniatang kay Manalo kasabay ng mga hamon sa bagong administrasyon habang kayanin nitong makipagdayalogo sa patuloy na territorial disputes sa China kaugnay sa South China Sea.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page