top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 23, 2021




‘Di maipaliwanag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang nangyari sa dolomite sand na itinambak nila sa Manila Bay bilang bahagi ng rehabilitation program, batay sa pahayag ni DENR Undersecretary Jonas Leones.


Aniya, “Siguro, too early to say na nag-wash out na siya.” Kaugnay ito sa sinabi ng Oceana Philippines nu’ng Abril na nag-e-erode na ang dolomite sand. “From December 2020 to February 2021, this dolomite beach has eroded by at least 300 square meters. They are refilling it again and even extending the area,” sabi pa ni Oceana Vice-President Gloria Ramos.


Sagot naman ni Leones, normal lamang ang pag-erode ng buhangin sa mga dagat. Paliwanag pa niya, “We have put in place 'yung mga geotubes to ensure na 'di mawa-wash out 'yung mga dolomite.” Sa ngayon ay inaabangan na nila ang pagsapit ng tag-ulan upang malaman kung epektibo ang geotubes para maiwasan ang soil erosion.


“Gusto natin mag-rainy season na dahil para once and for all, we can see and evaluate kung talagang effective 'yung ating beach nourishment. Pinag-aralan namin ‘yan and we are confident na kahit bagyuhin 'yan, kahit ano'ng ulan man, nandiyan pa rin 'yung beach nourishment,” dagdag ni Leones.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 8, 2021





Nananawagan sa publiko si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu hinggil sa tamang pagtatapon ng mga ginamit na face mask upang maiwasan ang hawahan sa lumalaganap na COVID-19.


Aniya, “Protection against COVID-19 goes beyond following the minimum health protocols and the use of face masks and face shields. Our responsibility extends to the disposal of these healthcare items which are potentially contaminated.”


Dagdag pa niya, “We have seen that while face masks protect us, these have become the newest threat to animal life because of entanglement, and have added up to marine litter.”


Matatandaang iniulat ng Greenpeace na mahigit 129 bilyong disposable face masks ang nakokolekta sa buong mundo kada buwan, kaya inirekomenda nila ang paggamit ng reusable face masks at personal protective equipment (PPE) upang mabawasan ang mga basurang nagko-contribute ng polusyon sa mundo at ang pagiging carrier nito ng virus.


Sa ngayon ay mahigit na ipinatutupad ang tamang pagsusuot ng face mask at face shield bilang health protocols.


 
 

ng Covid patient


ni Mary Gutierrez Almirañez | April 9, 2021




Itinanggi ng Capitol Medical Center (CMC) na may ipinaubayang kuwarto si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda para sa isang senior citizen sa nasabing ospital, batay sa naging sagot ng CMC sa kanilang Facebook page kahapon, Abril 8.


Anila, “Capitol Medical Center (CMC) records show that there was no such room reservation made for said person.”


Kaugnay ito ng ibinahaging Facebook post ni Antiporda nitong Martes na nagsasabing sa kabila ng mga napupunong ospital ay puwede niyang gamitin ang kanyang impluwensiya para ma-admit sapagkat marami na siyang natulungan at siguradong hindi siya matatanggihan ng mga iyon, na umagaw sa atensiyon ng CMC.


Sabi pa ni Antiporda, “May kuwarto pong maaaring ipagamit sa akin sa Capitol Medical Hospital pero sa halip na kunin ay ibinigay ko na lang po ito sa ina ng isang kapatid sa media na senior citizen na malubha ang kalagayan.”


Iginiit ng CMC na maraming pasyente ang naghihintay na ma-admit sa ospital, kung saan patuloy na ipinatutupad ang ‘First-in-Line, First Admission policy’.


“Staying true to our commitment to provide equal opportunity for quality health service especially at this time of pandemic… CMC assures the public that it is continually committed to serve the community equitably and with utmost professionalism,” paliwanag pa ng ospital.


Matatandaang nagpositibo sa COVID-19 si Usec. Benny Antiporda at ang kanyang misis noong ika-6 ng Abril.


Sa ngayon ay sa bahay na lamang nagpapagaling ang mag-asawa sapagkat aniya, wala nang ospital na puwedeng mag-accommodate sa kanila.


Kabilang sa mga naging proyekto ni Antiporda sa ilalim ng DENR ay ang dolomite beach sa Manila Bay.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page