top of page
Search

ni Lolet Abania | May 31, 2022



Magbubukas na muli sa publiko ang man-made beach na matatagpuan sa kahabaan ng Manila Baywalk sa Hunyo 12, kasabay ng selebrasyon ng 124th Independence Day ng bansa, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).


Sa isang statement, sinabi ng DENR na ang reopening ng Manila Bay Dolomite Beach ay unang naiskedyul nitong Mayo subalit iniurong ito dahil sa ilang mga imprastruktura ang hindi pa natapos sa naturang lugar.


“We are excited to open the dolomite beach to the public again on June 12. This is the good legacy of the Duterte administration, that’s why we really aim to open it before President Rodrigo Roa Duterte’s term ends,” saad ni DENR Acting Secretary Jim Sampluna.


Matatandaan na maraming environmental groups ang bumatikos sa nasabing proyekto, dahil anila sa idudulot na epekto umano sa kalusugan ng isang indibidwal ng crushed dolomite na ginamit bilang “white sands.”


Gayunman, ipinagtanggol ng DENR ang proyekto, paliwanag nila ang mga concerned agencies at mga eksperto ay kanilang kinonsulta hinggil dito. Gayundin, ayon sa Malacañang ang P389-M dolomite beach project ay makatutulong para sa flood control at mapipigilan din ang soil erosion. Unang binuksan ang Manila Bay Dolomite Beach sa publiko noong Setyembre 2021.


Kaugnay nito, ayon kay DENR Undersecretary for Policy, Planning, and International Affairs Jonas Leones, ang 500-meter beach nourishment project aniya, “has withstood rains, typhoons and floods yet remains intact.” “This proves that the dolomite beach, thanks to the assistance of the Department of Public Works and Highways and the other agencies, is stable and will prevail,” sabi pa ni Leones.


 
 

ni Lolet Abania | May 17, 2022



Iniurong ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang muling pagbubukas ng Manila Baywalk Dolomite Beach mula sa dating Mayo 20 ay ginawang Hunyo 3, 2022.


Batay sa ulat, ipinagpaliban ng DENR ang reopening nito ng dalawang linggo dahil sa ilang imprastruktura ang hindi pa natatapos sa lugar.


Gayundin ayon sa report, kailangan pa ring linisin ang lugar na malapit sa US Embassy sa Manila. Bukod dito, sinabi ng DENR na nais tiyakin ng ahensiya ang kalinisan at kaligtasan ng tubig sa Manila Bay bago ang muling pagbubukas nito.


Matatandaang unang binuksan ang dolomite beach sa publiko noong Setyembre 2022. Maraming mga environmental groups ang bumatikos sa naturang proyekto dahil anila, sa epektong idudulot sa kalusugan ng crushed dolomite na ginamit bilang “white sands.”


Subalit, dinepensahan ng DENR ang kanilang Manila Baywalk Dolomite Beach, paliwanag ng ahensiya kinonsulta nila ang mga concerned agencies at mga eksperto kaugnay sa naturang proyekto.

 
 

ni Lolet Abania | February 26, 2022



Ipagpapatuloy pa rin ng bagong kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na si Secretary Jim Sampulna ang nasimulang Manila Bay dolomite beach project sa ilalim ng kanyang termino.


Sa isang statement na inilabas ngayong Sabado, sinabi ni Sampulna na ito ay isang commitment ng ahensiya kay Pangulong Rodrigo Duterte.


“We can now see the beauty of Manila Bay. Maybe only around 500-600 meters of the Manila Bay is yet to be laid down with dolomite sand. I intend to continue that project because that is our commitment to our dear President,” ani Sampulna.


Matatandaang ipinahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) na ipagpapatuloy pa rin ng gobyerno ang pagsasaayos ng dolomite beach, sa kabila ng mga isyu sa environment at concerns ng mga health experts hinggil sa kaligtasan ng mga mamamayan.


Una nang nagbabala ang Department of Health (DOH) na ang crushed o dinurog na dolomite ay maaaring maging dahilan ng mga respiratory problems, lalo na kapag ito ay nasinghot. Binuksan ang nasabing beach simula noong Disyembre, kung saan ipinatutupad ang mga protocols sa lugar dahil na rin sa COVID-19 pandemic.


Si Sampulna ang pumalit kay dating DENR Secretary Roy Cimatu na nag-resign noong nakaraang linggo dahil sa health reasons.


Ayon pa kay Sampulna, magpapatuloy din ang rehabilitation projects sa Boracay beach habang tuloy ang suporta niya sa pagbabawal sa mga single-use plastics.


“We need some legislation for that (ban on single-use plastic). Although there is no legislation on that yet, we are already advocating for it,” sabi ni Sampulna.


Ipinagtanggol din ni Sampulna ang desisyon na i-lift ang 4-year ban na itinakda ng administrasyon hinggil sa open-pit mining na aniya pa, may ipinatutupad na measures na naaayon sa batas para ito ay i-regulate.


Hinimok naman ng opisyal ang publiko na huwag iboto ang mga kandidato na aniya, “destroy the environment.” “They should be environment-friendly,” saad ni Sampulna.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page