ni Lolet Abania | July 11, 2021
Pinuri ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng mga guro at estudyante na hindi natinag sa kanilang pagsisikap na mag-aral sa gitna ng pandemya ng COVID-19, kasabay ng pagtatapos ng school year 2020-2021 nitong Biyernes.
“Despite being tested in an extraordinary time, our learners persevered and made valuable gains for their future,” ani DepEd Secretary Leonor Briones sa isang statement.
“I am confident that this new breed of Filipino nation-builders -- one that has experienced unusual obstacles -- will be vital in moving the country for the years to come,” dagdag ni Briones.
Gayunman, hindi lahat ng mga estudyante ay nanatili sa pag-aaral dahil ilan sa kanila ay huminto sa online classes sanhi ng kawalan ng mga gadgets at internet connection na kinakailangan.
Matinding hamon din ang naranasan ng mga magulang dahil sa nagpalit ng pagtuturo at pag-aaral ang pamahalaan sa pamamagitan ng online learning.
Ayon kay Briones, malaki ang utang na loob ng ahensiya sa mga magulang at lahat ng guro, kung saan ilan sa kanila ang nagpupuyat at nagpapagod para ihanda ang mga modules na kailangan ng kanilang mga estudyante.
“We are greatly indebted to the dedication that you have given to your children during this crisis. Truly, your efforts have come to fruition as we celebrate this momentous day,” sabi pa ng kalihim.
Nakatakda sanang magtapos ang klase noong Hunyo, subalit nag-extend ang DepEd sa school year 2020-2021 para sa basic education hanggang nitong Biyernes, Hulyo 10.