ni Lolet Abania | February 25, 2022
Mariing pinaalalahanan ng Department of Education (DepEd) ang mga school-based organization gaya ng Parents Teachers Association (PTA) na dapat na sundin nito ang kanilang mga polisiya at guidelines, habang iginiit na ipinagbabawal ang magsagawa o makiugnay sa mga partisan political activities sa loob ng bakuran ng mga paaralan.
Sa inilabas na statement ngayong Biyernes ng ahensiya, ang PTA “shall adhere to all existing policies and implementing guidelines issued or hereinafter may be issued by the DepEd.”
“DepEd Order No. 54, series of 2009 also states that all PTA activities within the school premises or which involve the school, its personnel or students shall be with prior consultation and approval of the school head,” batay sa statement ng DepEd.
Ayon sa ahensiya, ang PTA ay dapat na magsilbi bilang support group at katuwang ng mga paaralan, na ang ibig ipakahulugan nito ay pagiging anila, “cooperative and open dialogue with stakeholders to promote the welfare of the students.”
“We continue to recognize and value the partnership of the community, our parents, our teachers, and our school administration in ensuring the delivery of quality basic education for all of our learners,” pahayag ng DepEd.
Una nang pinaalalahanan ng DepEd ang kanilang mga opisyal, mga guro at non-teaching personnel na iwasan na ang makiugnay sa mga partisan political activities bago pa ang May 2022 elections.
Sinabi pa ng ahensiya na masisiguro nito na ang mga empleyado ay naka-focus lamang sa serbisyo publiko at mapapangalagaan sila mula sa tinatawag na “unpredictability” ng pulitika.