top of page
Search

ni Eli San Miguel @Entertainment News | July 18, 2024



Showbiz Photo

Opisyal nang naupo si Sec. Sonny Angara nitong Huwebes bilang bagong pinuno ng Department of Education (DepEd). Ito ay matapos ipasa ni Bise-Presidente Sara Duterte ang posisyon sa isang seremonyang ginanap sa DepEd Complex sa Pasig City.


Sa turnover ceremony, ipinasa ni Duterte kay Angara ang selyo at watawat ng departamento, pati na rin ang transition report. Bago ang seremonya, ipinasyal din ni Duterte si Angara sa loob ng gusali ng DepEd.


Sa kanyang huling talumpati bilang pinuno ng DepEd, inamin ni Duterte na may mga programa pang hindi natatapos. Matatandaang nagbitiw si Duterte sa posisyon nu'ng Hunyo 19, na magiging epektibo bukas, Hulyo 19.

 
 

by Angela Fernando @News | July 16, 2024



File photo

Ipinaalam ni incoming Education Sec. Sonny Angara nitong Martes na nagbitiw na sa tungkulin si Department of Education (DepEd) Undersecretary Michael Poa.


Kasunod ang pagbibitiw ng tagapagsalita ng DepEd isang buwan matapos magbitiw si Bise-Presidente Sara Duterte bilang Education Secretary nu'ng Hunyo.


Ayon kay Poa, handa siyang maghintay ng utos mula kay Duterte kung meron man. Matatandaang ang pagbibitiw ni Duterte sa tungkulin niya sa DepEd ay magiging epektibo sa Hulyo 19, 2024, ayon sa Presidential Communications Office.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 6, 2024




Mahigit sa 3-milyong mag-aaral mula sa 14 rehiyon ang apektado ng pagkansela ng mga face-to-face classes ng mga paaralan sa mga lugar na nakakaramdam ng matinding init.


Isang ulat mula sa Department of Education (DepEd) ang nagpapakita na 5,288 paaralan ang nagdeklara ng paglipat sa alternatibong paraan ng pagtuturo tulad ng online classes at modular learning, na nakaaapekto sa 3,648,472 na mag-aaral.


Matatandaang nauna nang ipinaalala ng DepEd sa mga paaralan at lokal na pamahalaan na sila ay may otoridad na magdeklara ng pagkansela ng mga klase kung ang kasalukuyang lagay ng panahon ay hindi pabor sa pag-aaral sa loob ng silid-aralan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page