ni Angela Fernando @Overseas News | June 28, 2024
Iniutos ng Department of Education ng Oklahoma sa mga titser na kailangang magkaroon ng Bibliya sa mga silid-aralan at ituro ito sa mga estudyante.
Ito ay ibinaba nu'ng Huwebes, isang desisyong humahamon sa utos ng Korte Suprema ng United States na nagbabawal sa pag-sponsor ng relihiyon sa estado.
Si Ryan Walters, ang superintendent ng public instruction ng estado, ang nagbaba ang utos na agarang ipapatupad at sinabi rin niyang dapat mabigyang-pansin ang pag-aaral ng Sampung Utos.
Binigyang-diin din ni Walters sa kanyang pahayag na ang Bibliya ay banal na kasulatan ng Hudaismo at Kristiyanismo at isang pundasyon ng sibilisasyon ng West.