top of page
Search

ni Angela Fernando @News | May 14, 2024


Makakatanggap ang mga kwalipikadong kawani ng gobyerno ng midyear bonus simula Mayo 15 ngayong taon, ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah "Mina" Pangandaman nitong Martes.


Ayon sa DBM, ang halaga ng midyear bonus ay katumbas ng isang buwang basic pay ng mga kwalipikadong kawani ng gobyerno.


Ang bonus ay ibibigay sa mga kawani na nakapagtrabaho nang hindi bababa sa apat na buwan mula Hulyo 1 ng nakaraang taon hanggang Mayo 15 ng kasalukuyang taon.


Samantala, pinaalalahanan din ni Pangandaman sa isang pahayag ang lahat ng government agencies na ilabas ang mga bonus sa tamang oras.

namatay ang mga pasyente ilang linggo matapos ang operasyon.

 
 

ni Mylene Alfonso @News | August 31, 2023




Aprubado na ng Department of Budget and Management ang paglikha ng 5,000 non-teaching positions sa Department of Education.


Ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman, layunin nitong mabigyan ng sapat na manpower at masuportahan ang mga guro sa pagbibigay ng dekalidad na pagtuturo sa mga estudyante.


Binubuo ang 5,000 items ng 3,500 Administrative Officer (AO) II positions na layuning tanggalin sa mga guro ang administrative tasks na sumusuporta sa mga operasyon.


Habang ang 1,500 Project Development Officer (PDO) I positions ay tutulong sa mga AO II at iba pang non-teaching personnel sa pamamagitan ng pagpapatupad ng ilang programa, proyekto at aktibidad na pinangungunahan ng mga eskwelahan o mandato ng DepEd Central Office.


Nabatid na makatatanggap ang mga nasa AO II at PDO I positions ng basic salary na P27,000 (SG-11) base sa Fourth Tranche Monthly Salary Schedule for Civilian Personnel of the National Government.


"Malaking tulong po ito sa ating mga guro na ma-unload sila sa mga administrative work at maka-focus sa pagtuturo sa mga estudyante,” ayon pa kay Pangandaman.



 
 

ni Jeff Tumbado @News Photo | August 26, 2023




Suspendido ang 12 opisyal mula sa Department of Education (DepEd) at Department of Budget and Management (DBM) kaugnay sa pagbili sa overpriced laptops noong panahon ng Duterte administration.


Sa 11-pahinang resolusyon, sinabi mismo ni Ombudsman Samuel Martires na nakakita sila ng sapat na batayan para suspendihin ang mga opisyal dahil sa grave misconduct, serious dishonesty at gross neglect of duty.


Kabilang sa mga sinuspinde at kinasuhan sina DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla, dating DepEd undersecretary Alain del Pascua, dating Department of Budget and Management undersecretary Lloyd Christopher Lao, DepEd Assistant Secretary for Administration and Procurement, Salvador Malana III, Director Abram Abanil of the Information and Communications Technology Services, DepEd/Designated Ad Hoc Member, Special Bids and Awards Committee (SBAC-1) for the “Laptop for Teachers” Project, Director Jasonmar Uayan, Officer-in-Charge, Executive Director, Procurement Service-DBM, Ulysees Mora Procurement Management Officer, PS-DBM and Designated Chairperson, SBAC-1, Marwin Amil, Procurement Management Officer I, PS-DBM and Designated Provisional Member, SBAC-1; Alec Ladanga, Executive Assistant IV, Office of Undersecretary Sevilla, DepEd, Marcelo Bragado, Director IV, Procurement Management Service, DepEd, Selwyn Briones, Supervising Administrative Officer, DepEd, at Paul Armand Estrada, Procurement Management Officer V, PS-DBM and Designated Regular Member, SBAC-1.


Sinabi ng anti-graft body na ang suspensyon ay ayon sa Section 27 ng Ombudsman Law.


“This Order is immediately executory,” giit pa ng Ombudsman.


Nag-ugat ang desisyon ng Ombudsman sa reklamong inihain ng Senate blue ribbon committee sa imbestigasyon nila sa naturang kontrobersiya.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page