top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 29, 2021




AABOT sa 22.9 million beneficiaries sa NCR Plus Bubble na binubuo ng Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna ang inaasahang makatatanggap ng financial assistance mula sa pamahalaan kaugnay ng muling pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.


Ayon sa pahayag ni Secretary Wendel Avisado ng Department of Budget and Management (DBM) ngayong Lunes, “Based on the latest populations statistics from NEDA [National Economic and Development Authority], there are estimated 22.9 million beneficiaries which correspond to the 80 percent low-income population in NCR, Bulacan, Rizal, Cavite and Laguna and these are the areas placed under ECQ.”


Ayon kay Avisado, isinumite na ng DBM sa opisina ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon para mabigyan ng financial assistance ang mga indibidwal na apektado ng ECQ.


Saad pa ni Avisado, "The funds that we're gonna use for this special amelioration assistance to those affected by the ECQ are the remaining unutilized balances of Bayanihan 2.”


Aniya pa ay si P-Duterte na ang magsasabi ng iba pang detalye tungkol sa financial assistance ng pamahalaan.


 
 

ni Twincle Esquierdo | November 13, 2020




Nagplano ang Department of Education (DepEd) nitong Huwebes na magbibigay sila ng “connectivity allowance” sa susunod na taon para sa mga pampublikong guro at mga mag-aaral sa senior high school.


Humiling si Secretary Leonor Briones ng P4 bilyon mula sa Department of Budget and Management, ang P3.6 bilyon ay gagamitin sa load allowance ng 3.2 milyon senior high school students at 900,000 para sa mga guro.


Makatatanggap ng P450 load allowance ang mga guro habang P250 sa loob ng 3 buwan ang mga senior high school.


“We recognize the importance of load allowance for our learners and teachers to deliver quality education despite these challenging times due to the COVID-19 pandemic,” sabi ni Briones.


Ayon pa kay Briones, ang natitirang P400 milyon ay gagamitin sa pag-print at pag-deliver ng mga self-learning modules, paggawa ng mga materyales para sa DepEd’s online at broadcast platform at pagtatatag ng 2,000 radio transmitters.


Patuloy namang naghahanap ng paraan ang DepEd para masuportahan ang distance learning sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga telecommunication companies sa bansa.


Bago nito, iba’t ibang grupo ang nanawagan sa DepEd na magbigay ng load allowance para sa mga estudyante at guro dahil malaki na ang nagagastos ng mga ito para sa online class.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page