ni Angela Fernando - Trainee @News | November 6, 2023
Hindi pa posible ang ipinangakong P20 per kilong bigas ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., ayon sa bagong kalihim ng Department of Agriculture na si Francisco Tiu Laurel Jr. ngayong Lunes, Nobyembre 6.
Ayon kay Laurel, hindi madali ang magiging proseso upang maging mas abot-kaya sa masa ang presyo ng bigas.
Aniya, magiging posible na mapabuti ang kalagayan natin sa bigas dahil sa mga planong modernisasyon at bagong makinarya ni P-BBM ngunit hindi magiging agaran ito, handa naman nilang ibigay ang kanilang sarili para masunod ang naging pangako ng Presidente nu'ng 2022.
Utos din ng Pangulo na taasan ang produksyon sa mga produktong agrikultura at posible pa rin ang pagbaba ng presyo ng bigas.