ni Angela Fernando - Trainee @News | November 14, 2023
Nagbigay ng pahayag ang tagapagsalita ng Department of Agriculture na si Asec. Arnel de Mesa at sinabing ang presyo ng mga locally milled rice ay hindi dapat lalampas ng P48 bawat kilo.
Aniya, ang kasalukuyang presyo ng regular na bigas ay nasa P41/kilo habang ang well-milled na bigas ay nasa P45/kilo habang patuloy ang panahon ng ani sa bansa.
Ito ay matapos lumobo ang presyo ng bigas dahil sa kakulangan ng suplay.
Matatandaang nagbabala ang Philippine Rice Research Institute (PhilRice) na nasasayang ang halagang P7.2-bilyong bigas taun-taon sa bansa.