top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 20, 20244




Patuloy ang pagkasira ng mga sakahan dahil sa matagal na tagtuyot at tag-init na dulot ng El Niño sa 'Pinas, ayon sa Department of Agriculture (DA).


Umaabot na sa P3.94-bilyon ang halaga ng nawalang pananim at mga hayop, na tumaas ng 50% mula sa P2.63-bilyon na naulat ng ahensya noon.


Samantala, ayon sa pinakabagong bulletin, ang epekto ng El Niño ay nagdulot ng negatibong epekto sa mga kabuhayan ng 73,713 na magsasaka at mangingisda hanggang Abril 16.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 21, 2024




Iniutos ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. ang mabilisang pagbubukas ng mga nakasara nang National Food Authority (NFA) warehouse, ayon sa ahensya ngayong Huwebes.


Ayon sa DA, 99 na mga bodega ng NFA ang nakasara pa rin matapos na suspindehin ng Ombudsman ang mahigit sa 100 opisyal at kawani ng NFA dahil sa umano'y pagbebenta ng mga buffer stock ng bigas sa pribadong mga mangangalakal.


“We will ensure that all padlocked warehouses will be opened soonest to optimize the impact of NFA’s procurement activities on rice farmers’ income as well as secure the maximum volume of palay for buffer stocking,” pahayag ni Laurel.


Itinalaga ng DA ang otoridad sa 99 mga bodega ng NFA sa mga assistants ng mga suspendidong operators.


Kamakailan lamang, binawi ng Ombudsman ang suspensyon ng 23 kawani ng NFA.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 11, 2023




Magkakaroon ng sapat na suplay ng agrikultural na produkto sa bansa sa panahon ng kapaskuhan, ayon sa Department of Agriculture (DA).


"We can assure na for the coming season, yung ating mga basic agricultural key commodities, we have enough supply para ngayong darating na holiday season," pahayag ni DA Spokesperson Arnel de Mesa ngayong Lunes.


"Sa pork at chicken, we have enough supply. Sa manok ay over production tayo. Sa karneng baboy, bagamat kulang tayo nang konti ay nakapagprograma na agad ng importation through the Bureau of Animal Industry,” dagdag ni de Mesa.


Binanggit din niya na tuloy-tuloy ang sapat na ani ng bigas, na nagsasabing nakaambang makamit ng bansa ang 20 milyong metrikong tonelada at karagdagang 295,000 metrikong toneladang imported na bigas mula sa India.


Idinagdag pa ng opisyal ng Agrikultura na inaasahan nilang makapagtala ang bansa ng mas magandang rate sa produksyon ng agrikultura ngayong taon.


"We're hoping na pagdating nitong 4th quarter, na ilalabas yung datos early next year ay talagang makabawi na yung agriculture sector,” sabi ni de Mesa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page