top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 12, 2024




Iniulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang isang bomb threat sa opisina ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Quezon City ngayong Lunes.


Agarang tumugon ang mga tauhan ng BFP sa opisina ng DENR sa Visayas Avenue sa Diliman alas-11:03 ng umaga, kasama ang tulong mula sa Explosive Ordinance Disposal (EOD) team ng Quezon City Police District.


Inilikas naman ang mga empleyado ng DENR mula sa gusali. Sinuspinde rin ang trabaho para sa afternoon shift, at pinauwi ang mga empleyado bilang pag-iingat matapos ang bomb threat.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 19, 2023




Pipirma ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng kasunduan kasama ang National Aeronautics and Space Administration (NASA) para sa mga proyektong kaugnay sa kalidad ng hangin, ayon kay Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga nu'ng Lunes, Disyembre 18.


Isa sa tatlong kasunduan na isinapubliko ng ahensiya ang bagong development, kabilang dito ang pagsisikap sa kapasidad na bumuo ng mga bagong proyekto kasama ang US Environmental Protection Agency (US EPA) at Ministry of Environment ng Japan.


Saad ni Yulo-Loyzaga, "We are happy to announce it’s almost signing ready, that is an agreement with NASA—we’ve been hard at work at this agreement and this has to do with air quality in the region. Air quality, as you know, is related to climate, and so we are trying to cover as much as possible both land, water and air in terms of building the capacity in the DENR."


Dagdag niya, "With these two, we hope to actually be able to step up in terms of getting our EMB and the related bureaus to actually be able to access new knowledge, new technology, new expertise and probably, this would be very helpful as far, as we’re concerned in terms of looking at legislation and seeing whether these actually need to be updated."


Pumirma ang DENR ng kasunduan sa US EPA at isang memorandum of cooperation sa Ministry of Environment sa Japan, na may layuning palakasin ang operasyon ng environmental management bureau ng bansa.


Kasalukuyang wala pang karagdagang detalye mula kay Yulo-Loyzaga hinggil sa mga partikular na programa kaugnay ang mga nabanggit na kasunduan.

 
 

ni BRT @News | October 1, 2023





Sinuspinde ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kasunduan nito na Protected Area Community-Based Resource Management Agreement (PACBRMA) sa People’s Organization (PO) Socorro Bayanihan Services Incorporated (SBSI).


Ayon kay DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga, iniimbestigahan na ng kanilang hanay kung mayroong paglabag ang grupo sa terms at conditions sa PACBRMA.


Nabatid na ang PACBRMA ay isang legal na kasunduan sa pagitan ng DENR at migrant groups para i-develop at panatilihin ang protected areas sa loob ng 25 taon.


Naging kontrobersyal ang grupong Socorro Bayanihan matapos akusahan na isang kulto at sangkot umano sa pang-aabuso sa mga menor-de-edad ang ilang miyembro nito.


“The DENR will work with the Department of Interior and Local Government, Department of Social Welfare and Development, the Department of Human Settlements and Urban Development, the Provincial Government of Surigao del Norte and other authorities to ensure the smooth and peaceful enforcement of the suspension notice; and the possible resettlement of the occupants,” ani Loyzaga.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page