top of page
Search

ni Lolet Abania | November 15, 2021



Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ngayong Lunes ng karagdagang 630 kaso ng mas nakahahawang Delta variant kaya umabot na ito sa kabuuang 6,612 cases.


Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay mula sa 666 samples na nakolekta noong Marso, Setyembre, Oktubre at Nobyembre.


Sa mga naturang samples, isa lamang ang nagpositibo sa test sa Alpha variant.


“We are doing retrospective sample to trace the beginnings of the Delta variant introduction to the country as well as the earliest cases,” ani Vergeire sa media briefing.


Ipinaliwanag ni Vergeire na ang tinatawag na retrospective sampling ay kinakailangan para madetermina kung saan nagmula ang variants sa bansa at bilang bahagi na rin aniya, ng biosurveillance efforts ng gobyerno.


“So we started this retrospective sampling, I think it started off last June when we started getting samples also from April and May dahil doon natin unang naitala, nakakita tayo at naka-detect ng Delta variant,” sabi ni Vergeire.


“So gusto natin makita as to the specific area and the specific timeframe kung kailan pumasok itong ganitong klaseng variant sa ating bansa,” dagdag pa ng opisyal.


Sa ngayon, umabot na sa kabuuang 20,055 samples ang na-sequenced sa bansa, kung saan 17,925 ay itinuturing na may lineages.


Mula sa 17,925 samples, batay sa datos nasa 36.89% ang nagpositibo sa Delta variant, 19.96% ay positibo sa Beta variant, at 17.46% ay nagpositibo naman sa Alpha variant.

 
 

ni Lolet Abania | October 21, 2021



Hinihintay pa ng Department of Health (DOH) ang mas maraming datos mula sa international health organizations hinggil sa Delta coronavirus subvariant o ang AY 4.2 subvariant, kung saan na-detect sa European nations at sa Israel.


“Naghihintay pa ng report sa international health organizations, sila naghihintay ng datos,” ani DOH Secretary Francisco Duque III sa isang interview ngayong Huwebes.

Ayon din kay Duque na ang naturang subvariant ay hindi pa na-classified bilang variant of concern at variant of interest.


Pinayuhan naman ni Dr. Edsel Salvana ang publiko na hindi kailangang mag-panic hinggil sa mga reports na lumalabas tungkol sa bagong subvariant.


Sinabi ni Salvana na nakatanggap sila ng impormasyon na sa naturang subvariant, dumarami ang nahahawa na katulad o bahagyang mas mataas kumpara sa Delta variant, kung saan itinuturing na itong most common lineage mula sa mga naging sample sequenced sa bansa.


Sa kasalukuyan, nakapagtala ang DOH ng 4,431 Delta variant cases sa bansa.

 
 

ni Lolet Abania | September 29, 2021



Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ngayong Miyerkules ng karagdagang kaso na 339 ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19, kung saan umabot na sa kabuuang 3,366 cases.


Sa online briefing, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang bagong Delta cases ay na-detect mula sa 748 sequenced samples na nakabilang sa mga nakuha noong Abril hanggang Hunyo.


Gayundin, sa pinakabagong genome sequencing nakapagtala ng 186 Beta variant cases, 98 Alpha variant cases, siyam na P.3 variant cases, at isang Gamma variant case.


Ayon pa sa DOH, sa ngayon ang Delta variant ang tinatawag na most common lineage sa mga naging sequenced samples ng COVID-19 cases sa bansa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page