ni Lolet Abania | September 29, 2021
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ngayong Miyerkules ng karagdagang kaso na 339 ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19, kung saan umabot na sa kabuuang 3,366 cases.
Sa online briefing, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang bagong Delta cases ay na-detect mula sa 748 sequenced samples na nakabilang sa mga nakuha noong Abril hanggang Hunyo.
Gayundin, sa pinakabagong genome sequencing nakapagtala ng 186 Beta variant cases, 98 Alpha variant cases, siyam na P.3 variant cases, at isang Gamma variant case.
Ayon pa sa DOH, sa ngayon ang Delta variant ang tinatawag na most common lineage sa mga naging sequenced samples ng COVID-19 cases sa bansa.