top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 24, 2021



Nasa 112 katao ang nasawi sa Maharashtra, India dahil sa landslide na dulot ng tuluy-tuloy na pag-ulan, ayon sa awtoridad.


Matapos tumaas ang lebel ng water rainfall, napilitang magpakawala ng tubig sa mga dam at inilikas ang mga residente sa mabababang lugar.


Pahayag ni Chief Minister Uddhav Thackeray, head ng Maharashtra state government,"Unexpected very heavy rainfall triggered landslides in many places and flooded rivers.


"Dams and rivers are overflowing. We are forced to release water from dams, and, accordingly, we are moving people residing near the river banks to safer places."


Ayon kay Thackeray, nagpadala na rin ng mga Navy at Air Force sa apektadong lugar upang magsagawa ng rescue operations.


Ayon sa awtoridad, nasa 38 katao ang nasawi sa Taliye, 180 km southeast ng Mumbai, dahil sa landslide habang 59 katao naman ang namatay sa Maharashtra at 15 ang nasawi dahil sa aksidente kaugnay ng malakas na ulan.


Samantala, bukod sa nasawi, marami rin ang naiulat na nawawala at na-trap sa ilang gusali dahil sa landslide.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 17, 2021



Umabot na sa mahigit 126 ang nasawi sa matinding pagbaha sa western Germany at Belgium, ayon sa opisyal at patuloy pa ring nagsasagawa ng rescue operations.


Ayon sa ulat, umabot sa 106 ang nasawi sa Germany habang tinatayang nasa 1,300 naman ang nawawala.


Libu-libong residente rin ang nasiraan ng bahay at nasa 900 sundalo na ang ipinadala ng pamahalaan upang tumulong sa rescue at clearing operations.


Sa Rhineland-Palatinate, 63 ang nasawi kabilang na ang 12 residente ng care home para sa mga may kapansanan habang 43 naman ang namatay sa North Rhine-Westphalia ngunit ayon sa opisyal, posibleng tumaas pa ang death toll.


Saad pa ni Interior Minister for Rheinland-Palatinate Roger Lewentz, "When emptying cellars or pumping out cellars, we keep coming across people who have lost their lives in these floods."


Sa Belgium naman, 20 na ang naitalang nasawi at dalawampu ang bilang ng mga nawawala.


Ayon kay Belgian Prime Minister Alexander De Croo, nasa 20,000 katao ang apektado ng kawalan ng kuryente at lubog pa rin umano sa baha ang ilang lugar.


 
 

ni Lolet Abania | July 16, 2021


Umabot na sa 81 katao ang nasawi habang dose-dosena ang nawawala matapos madagdagan ng 50 indibidwal na namatay dahil sa matinding pagbaha sa western state ng Germany.


“The number of dead has gone up to 50, from 28 in the badly hit region,” pahayag ni Timo Haungs, spokesman ng interior ministry ng Rhineland-Palatinate, Germany sa Agence France-Presse (AFP).


Ayon sa mga awtoridad, dahil sa dose-dosenang nawawalang indibidwal sa western Germany, pinangangambahang tumaas pa ang death toll, kung saan naitala na pinakamapaminsalang pagbaha na naganap sa naturang rehiyon.


“I fear that we will only see the full extent of the disaster in the coming days,” saad ni Chancellor Angela Merkel nitong Huwebes ng gabi kasabay ng pagbisita nito sa Washington.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page