ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Ika-16 Araw ng Abril, 2024
Biglang kinabahan si Pedro Pedral, kaya bigla rin siyang natigilan. Pagkaraan, napatingin siya sa larawan ni Via.
“May masakit ba sa inyo?” Nag-aalalang tanong ni Nhel.
Marahas at malalim na buntong hininga ang kanyang pinawalan, dahil hindi siya makapaniwala na makukuha niyang mag-stay sa bahay ng kanyang ama. Ayaw niyang umalis dahil nangangamba siyang kapag ginawa niya iyon, baka mawala pa ang pagkakataon na makita niya si Via.
“Pakiramdam ko may masamang nangyayari kay Via.”
“Damn!” Hindi niya napigilang ibulalas.
Kahit kinabahan siya sa sinabi nito, para naman may umawat sa kanya na huwag maniwala.
“Hindi mo siya tunay na anak kaya malabo mong malaman ‘yun!”
“Oo, hindi ko siya tunay na kadugo, pero minahal ko siya bilang isang tunay na anak.”
Napatingin si Nhel sa matandang lalaki at sabay sabing, “Asawa ko na siya.”
Natawa naman si Pedro sa isinagot ni Nhel.
“Shut up!” Gigil niyang sabi.
“Masyado kang seloso.”
“Asawa ko siya.”
“Ama naman niya ako.”
Marahas na buntong hininga ang kanyang pinawalan, at sinabi na lang niya sa kanyang sarili na kailangan niyang maging maunawain. Hindi dapat selos ang kanyang pairalin.
“Masyado kang seryoso.”
“Mahal ko kasi,” inis niyang sabi rito.
“Kaya kailangan mo na kumilos para hanapin siya. Alam kong may hindi magandang nangyayari ngayon kay Via.”
“Shut up!” Gigil niyang singhal kay Pedro Pedral.
Nag-init ang ulo niya rito dahil talaga namang nakakainis na wala siyang magawa para alamin kung nasaan na si Via.
“May magagawa ka,” sabi ng kanyang sarili.
Hindi naman kasi siya ordinaryong tao para ‘di agad malaman kung ano ang gusto niyang malaman. Kahit tuloy ayaw niya, parang kailangan muna niyang buhayin ang isang uri ng pagkatao niya na gusto na sana niyang ibaon sa limot, at ito ay ang pagiging Mafia Lord.
Itutuloy…