Dear Roma Amor - @Life & Style | September 26, 2020
Dear Roma,
Ako si Elle, breadwinner at super-bigat sa feeling na ganito nangyari sa family ko. May hinihinging bagay ‘yung tatay ko, pero tumanggi ako dahil hindi ko ‘yun kayang ibigay, tapos nagtampo sila ng nanay ko kasi alam daw nilang malaki ang suweldo ko. Ang point ko naman, malaki nga ‘yung kinikita ko, pero malaki rin ang gastos namin. I’m so disappointed kasi sa kabila ng pagtatrabaho ko para maibigay yung masagana at marangyang buhay sa kanila, ganu’n pa sila mag-isip sa akin.
Ang totoo nga, deprived ako sa kasiyahan kasi instead na mag-enjoy ako sa buhay single, nagpapakahirap ako rito sa abroad. Lagi rin akong nag-oopen up sa kanila ng business like sari-sari store, kaso laging fail ang negosyo. Nakakapagod lang dahil nawala na parang bula yung inipon ko para ru’n.
Paano ba ang magandang approach para hindi sila aasa sa akin? Kaya pa naman nilang maghanapbuhay dahil malalakas pa sila. –Elle
Elle,
Alam mo, isa ‘yang toxic mentality dito sa atin, pero panahon na para sabihin sa kanila na hindi puwedeng forever silang umasa sa iyo, lalo na kung para sa materyal na bagay lang. Bilang mga magulang, alam nila kung gaano kahirap kumita ng pera, tapos nasa abroad ka pa at malayo sa pamilya. Ang una mong gawin ay magtabi para sa sarili mo dahil ‘pag ‘di mo ‘yan ginawa ngayon, ikaw din ang mahihirapan sa future. Nar’yan talaga ‘yung magtatampo sila, pero mauunawaan din nila ‘yan. Good luck!