ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Ika-7 Araw ng Abril, 2024
“Bitawan mo na ako!” Wika ni Via kahit na hindi naman niya gustong kumawala kay Nhel.
“Akin ka lang!” tugon naman ni Nhel.
Talagang ayaw nitong bitawan ang kamay ng kanyang misis, kahit na ilang beses pa itong nagpupumiglas.
Sa puntong iyon, parang ibig niyang maniwala sa sinasabi ni Nhel. Talaga naman kasing ayaw niyang mawala si Nhel sa kanyang buhay. Sobra na niya itong minahal, at hindi na niya gustong magkahiwalay pa sila. Pero, alam niyang hindi magiging madali ang lahat lalo na’t ayaw sa kanya ng ina nito.
“Kahit na ayaw sa akin ng ina mo?”
“Tayo ang magsasama.”
“Baka naman ayawan mo rin ako kapag nadurog mo na ang puso ko?”
“So, mas naniniwala ka sa sinasabi nila?” Hindi makapaniwalang tanong niya.
“Pero, mommy mo na ang nagsabi.”
“Hindi kita niloloko. Alright, galit na galit talaga ako kay Pedro, pero kinalimutan ko na iyon mula nang makita kita. Isa pa, hindi ka na rin nawala sa isip ko. Pinakasalan kita dahil sa labis na pagmamahal ko sa iyo. Pero, hindi kita masisisi kung ganu’n ang tingin mo sa akin. ‘Yun naman talaga ang pinlano ko dati, pero nagbago ang lahat.”
“Okey.”
“‘Yan lang ang sasabihin mo?” Hindi makapaniwalang tanong ng kanyang mister.
“Maaari ngang pinlano kong saktan ang damdamin mo, kayo ng Tatay Pedro mo, kaya lang nag-iba ang plano ko. Hindi kita kayang saktan. Pisikal man o hindi.”
“Pero, baka gumawa sila ng paraan para paglayuin tayo?” Buong pag-aalala niyang sabi. “Hindi ako papayag! Ikaw ang mahal ko, kaya sa iyo lang ako. Saka, mag-asawa na tayo. ” Marahang tango ang ginawa niya. Nagtatalo ang puso’t isip niya kung sino ba ang susundin niya. Ang kanyang puso o ang isip?
Itutuloy…