ni Lolet Abania | September 13, 2021
Labis ang pagdadalamhati ng pamilya, kaibigan, at mahal sa buhay ng dating De La Salle University (DLSU) player at De La Salle-College of Saint Benilde (CSB) assistant coach Rafa Dinglasan matapos na ianunsiyo ang kanyang pagkamatay ngayong Lunes.
Ito ang kinumpirma ng CSB Center for Sports Development na pumanaw na si Dinglasan sa edad na 53.
“Animo Forever Coach Rafa,” caption ng CSB sa page post nila sa social media. Sa isang post sa personal Facebook page ni Lasallian at Rep. Mikee Romero, inilarawan niya si Dinglasan bilang isang tunay na kapatid at ‘the life of any party.’
“Painful as it is to everyone, you are now in God’s hands,” caption ni Romero. Si Dinglasan ay bahagi ng DLSU squad, kung saan nagwagi sila sa kauna-unahang men’s basketball championship sa University Athletic Association of the Philippines.
Naging bahagi rin siya ng coaching staff ng CSB Blazers noong 2014. Ayon sa reports, si Dinglasan ay nasawi dahil sa COVID-19.