top of page
Search

ni Janice Baricuatro | April 2, 2023




Napasakamay na ng mga awtoridad ang suspek sa pagpatay at pagnanakaw sa isang graduating student ng De La Salle University sa Lungsod ng Dasmariñas, kahapon ng umaga.


Dahil sa patuloy na follow-up operations ng Dasmariñas Police sa pangunguna ni Police Major Alex Casio simula nang mangyari ang krimen, naaresto ng mga ito ang suspek na si Angelito Lacerna Erlano, 39, residente ng Bgy. San Nicolas 2, Dasmariñas City. Nadakip ang suspek sa bahay ng kaibigan nito sa Bgy. Victoria Reyes.


Matapos makatanggap ng impormasyon ang pulisya na namataan ang suspek sa lugar, agad na nagtungo ang mga ito at dito nakorner ang suspek alas-10:45 ng umaga.


Matatandaan na kamakailan nang pasukin ang dormitory na tinutuluyan ng biktimang si Queen Leanne Daguinsin, 22, kung saan siya natagpuang walang buhay at may 14 na saksak.


Nakita naman ang suspek sa ilang CCTV footage sa lugar na nakatulong sa mga pulis upang matukoy ito at ang pinagtaguan nito.


 
 

ni Lolet Abania | June 9, 2022



Apat na malalaking unibersidad sa bansa ang hinirang ng QS World University Rankings 2023 bilang mga nangungunang higher education institutions sa buong mundo.


Ito ang University of the Philippines (UP), Ateneo de Manila University (ADMU), De La Salle University (DLSU), at ang University of Santo Tomas (UST).


Nakapagtala ng pinakamataas na ranked ang UP na 412, kasunod ang ADMU na nasa 651-700 bracket, habang ang DLSU at UST ay kapwa may ranked na nasa 801-1,000 bracket.


Ayon sa QS, sakop ng criteria ng kanilang ranking anila ay, “academic reputation to the number of international students enrolled as well as employer reputation, faculty to student ratio, citation per faculty, and international faculty, among others.”


Sa mahigit na 100 lokasyon na binubuo ng 2,462 institutions, nasa 1,422 institutions lamang ang nabigyan ng ranked ng QS. Noong 2021, 15 paaralan sa Pilipinas ang nakapasok sa 2022 QS ranking of best Asian universities.


 
 

ni VA/MC - @Sports | May 3, 2022



Tinalo ng University of the Philippines ang Ateneo de Manila University, 84-83 upang putulin ang 13-0 game winning streak ng Blue Eagles sa huling araw ng elimination round ng University Athletic Association of the Philippines Linggo nang gabi sa Mall of Asia Arena.


Ang pagwawagi ng UP ang nagtakda para kumpletuhin ang Final Four format sa UAAP Season 84 postseason. Lakas ni Malick Diouf ang inasahan ng Diliman-based squad sa panalo sa bisa ng 18-point, 16-board performance, habang si Carl Tamayo ay nagdagdag ng 16 points sa panalo.


Haharapin ng UP ang no. 3 De La Salle University sa Final Four, habang ang top seeded Ateneo ay lalaban sa Far Eastern University. May twice-to-beat incentives ang Ateneo at UP tungo sa Final Four. Nauna rito, nalagay ang FEU Tamaraws sa Final Four slot matapos ilaglag ang University of Santo Tomas, 109-65, at pagkatalo ng National University sa La Salle, 76-65.


Nagwagi ang Adamson University sa University of the East, 65-53. Tinapos ng Ateneo ang elimination round hawak ang nabahirang 13-1 card, habang umibayo ang UP ng 12-2. Rumehistro ang La Salle ng 9-5 card habang ang FEU ay may 7 panalo at 7 talo. Bukod sa basketball postseason, nakaiskedyul na rin ang UAAP women's volleyball ngayong linggo.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page