top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 8, 2021




Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang Davao Oriental ngayong Lunes, pasado alas-otso nang umaga.


Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang lindol ay may lalim na 44 km at naganap sa 211 kilometers southeast ng Governor Generoso, Davao Oriental.


Naitala rin ang Instrumental Intensity II sa General Santos City at munisipalidad ng Alabel at Kiamba, Sarangani at ang Instrumental Intensity I sa Koronadal City.


 
 

ni Lolet Abania | January 27, 2021




Isinailalim na sa lockdown ang Davao Oriental Provincial Medical Center matapos na 33 sa kanilang staff ang nagpositibo sa test sa COVID-19.


Agad ding nagsagawa ng disinfection sa buong ospital kasabay ng lockdown na tatagal nang 10 hanggang 14 na araw.


Ayon sa pamunuan ng ospital, hindi muna sila tatanggap ng pasyente kasama na rito ang mga emergency cases.


Gayunman, ang mga pasyenteng na-admit na sa ospital ay mananatili roon at patuloy nilang gagamutin. Ang mga staff na nagpositibo sa test ay naka-isolate na habang nagsasagawa naman ng COVID-19 testing sa mga close contacts at iba pang empleyado ng ospital.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page