top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | January 22, 2022



Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang Baganga, Davao Oriental nitong Sabado ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).


Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol bandang 4:43 a.m 15 kilometro timog-silangan ng Baganga at may lalim na 102 kilometro.


Naitala ng Phivolcs ang sumusunod na mga intensity:


Intensity IV – Baganga and Caraga, Davao Oriental; Maco, Davao de Oro

Intensity III – Mawab and Monkayo, Davao de Oro; Lupon, Manay and San Isidro, Davao Oriental; Bislig City, Surigao del Sur; Rosario, Agusan del Sur


Samantala, naitala rin ang Instrumental Intensity I sa Bislig City, Surigao del Sur.


Asahan din ang aftershocks, ayon sa Phivolcs.

 
 

ni Lolet Abania | October 26, 2021



Niyanig ng 4.8 magnitude na lindol ang munisipalidad ng Caraga sa Davao Oriental, ngayong Martes ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).


Batay sa ulat ng Phivolcs, naitala ang lindol ng alas-1:51 ng hapon ng Martes at tectonic in origin habang may lalim na 32 kilometro.


Ayon sa Phivolcs, wala namang inaasahang aftershocks habang walang ring naitalang pinsala sa lugar.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 18, 2021



Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang Governor Generoso, Davao Oriental ngayong Linggo nang umaga, ayon sa PHIVOLCS.


Unang naitala ang lindol kaninang alas-8:09 bilang magnitude 4.7 ngunit itinaas ito sa magnitude 5.4 na may lalim na 42 kilometers at ayon sa PHIVOLCS, inaasahang may magaganap na mga aftershocks.


Samantala, naramdaman din ang Intensity V sa Governor Generoso, Davao Oriental; Intensity IV sa Mati City, Davao Oriental; Intensity III sa Tampakan at Tupi, South Cotabato; Intensity II sa Davao City; General Santos City; Kidapawan City; Kiamba, Sarangani; at Intensity I sa Arakan, Cotabato.


Naitala rin ng PHIVOLCS ang Instrumental Intensity II sa General Santos City; Kidapawan City; Kiamba, Sarangani. Bukod sa posibleng aftershocks, nagbabala rin ang PHIVOLCS sa posibleng maitalang pinsala dahil sa lindol.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page