top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | February 21, 2022



Niyanig ng magnitude 6 na lindol ang Davao Oriental kaninang madaling araw.


Ayon sa Phivolcs, bandang 12:29 a.m. nang lumindol sa bahagi ng Governor Generoso.


May lalim ito na 71 kilometro at tectonic ang pinagmulan.


Reported intensities:

Intensity III-Tupi, South Cotabato

Intensity II - General Santos City


Instrumental Intensity:

Intensity III- General Santos City

Intensity I - Davao City; Kidapawan City


Walang naitalang pinsala na dulot ang nasabing pagyanig pero asahan ang aftershocks, ayon sa PHIVOLCS.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 4, 2022



Umabot na sa dalawa ang patay habang 408 ang nagkasakit dahil sa diarrhea outbreak sa Caraga, Davao Oriental.


Ang mga nasawi ay isang 11-buwan na sanggol at 57-anyos na lalaki, habang mayroong mga isinugod sa ospital dahil sa malubhang dehydration, ayon sa mga lokal na awtoridad nitong Huwebes.


Ayon pa sa awtoridad, kumalat sa 6 na barangay sa Caraga ang outbreak.


Nagtayo ng maliit na pagamutan ang lokal na pamahalaan at nanatili sa mga health center ang mga pasyente para matutukan ang kanilang kalagayan.


Posible umanong ang maruming tubig sa lugar ang dahilan ng pagkakasakit ng mga residente.


“May mga gamot tayong pinadala, na kung saan pwedeng ilagay sa tubig para pwedeng mainom. So, no need magkaroon ng rasyon ng tubig dahil tine-treat na natin 'yung mga tubig na iniinom nila,” pahayag ni Davao Oriental Governor Nelson Dayanghirang.


Ayon pa sa gobernadora, magpapatupad na sila ng regular na paglilinis sa mga water reservoir para masiguro ang kaligtasan ng mga residente.


Noong Oktubre 2021 ay nagkaroon din ng diarrhea outbreak sa bayan ng Caraga kung saan 80 ang naapektuhang residente at isa ang positibo sa cholera.

 
 

ni Lolet Abania | January 23, 2022



Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang timog-silangang bahagi ng bayan ng Manay sa Davao Oriental ngayong Linggo ng hapon, ayon sa ulat Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).


Alas-2:23 ng hapon, naitala ng lindol na tectonic in origin, at may depth of focus o lalim na 19-kilometer.


Ayon sa PHIVOLCS, wala namang naiulat na napinsala sa lugar matapos ang pagyanig subalit posibleng magkaroon ng mga aftershocks.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page