top of page
Search

ni Lolet Abania | May 5, 2022



Niyanig ng 5.7-magnitude na lindol ang baybayin ng Davao Oriental ngayong Huwebes nang madaling- araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).


Unang nai-report ng ahensiya na nasa 6.2-magnitude ang lindol, subalit binago nila ito at na-downgrade sa 5.7-magnitude na pagyanig.


Batay sa Phivolcs, alas-5:41 ng madaling-araw naitala ang lindol na may lalim na 96 kilometro, at tinatayang 136 kilometro timog-silangan ng bayan ng Tarragona, Davao Oriental.


Nai-record naman ang Intensity 2 sa General Santos City, kung saan bahagyang gumalaw ang mga gamit na mga nakasabit.


Naramdaman din ang mga instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:

• Intensity 3 - Malungon and Alabel Sarangani

• Intensity 2 - Nabunturan, Davao De Oro; Davao City; Tupi, South Cotabato; Koronadal City

• Intensity 1 - Malaybalay, Bukidnon; Kidapawan City; Kiamba, Sarangani; Santo Niño at T'boli South Cotabato


Ayon sa Phivolcs, wala namang napinsala matapos ang lindol. Subalit, babala ng ahensiya, posibleng magkaroon ng mga aftershocks.


 
 

ni Lolet Abania | April 21, 2022



Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang Manay, Davao Oriental ngayong Huwebes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).


Sa report ng PHIVOLCS, alas-5:57 ng madaling-araw naitala ang pagyanig na tectonic ang pinagmulan habang may lalim ito na 58 kilometro.


Ayon sa PHIVOLCS, walang naitalang pinsala sa mga imprastraktura dahil sa lindol at aftershocks. Gayundin, ini-report ng Reuters na base sa US Tsunami Warning System, walang naganap na tsunami warning matapos ang pagyanig.


Samantala, ayon sa Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office (MRRMO), isang paaralan sa Manay, Davao Oriental ang nagkaroon ng mga cracks matapos ang naganap na magnitude 5.3 na lindol nitong Miyerkules ng hapon.


“Meron kaming nakita na mga cracks din sa walls ng aming paaralan sa Barangay San Ignacio (We saw some cracks on the walls of our school in Barangay San Ignacio),” sabi ni MDRRMO head Cesar Camingue sa isang interview ngayong Huwebes.


Ayon kay Camingue, ininspeksyon na ng Provincial Disaster and Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ang napinsalang eskuwelahan, kung saan aniya, isang klasrum lamang ang idineklarang off limits sa ngayon.


Sinabi naman ni Camingue na wala silang na-monitor na anumang senyales ng posibleng tsunami nang kanilang itsek ang mga coastal areas ng Manay matapos ang lindol. Binanggit din ng opisyal na ang naturang bayan ay nakaranas ng maraming pagyanig nitong nakalipas na tatlong araw.

 
 

ni Lolet Abania | March 8, 2022



Isang flight instructor at isang student pilot ang nakaligtas sa naganap na pagbagsak ng Cessna plane sa Mati, Davao Oriental.


Sa ulat, nagsasagawa ng training flight ang mga ito nang mangyari ang insidente.


Agad namang rumesponde ang mga rescuers sa crash site subalit hindi nila natagpuan ang instructor at ang student pilot, ayon sa report nitong Lunes.


Gayunman, nang alamin ng mga awtoridad ang kalapit na mga ospital, nabatid nilang nakaligtas ang dalawa sa pagbagsak ng eroplano at nagpasyang sumailalim sa treatment.


Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naging sanhi ng plane crash.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page