top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 10, 2021



Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang Davao Occidental ngayong Sabado, alas-8:43 nang umaga, ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).


Ayon sa PHIVOLCS, may lalim na 088 kilometers at wala namang inaasahang pinsala sa naturang lindol.


Samantala, nagbabala ang PHIVOLCS sa posibleng aftershocks.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 23, 2021




Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Zambales pasado 12:41 nang hapon, batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong araw, May 23.


Ayon sa ulat, namataan ang tectonic origin at episentro ng lindol sa 14.73°N, 119.25°E - 094 km S 75° W ng San Antonio, Zambales.


Nagdulot ang lindol ng halos 2 metrong lalim sa kalupaan, kung saan magpahanggang sa Quezon City ay naramdaman din ang ugong.


Kaugnay nito, niyanig din ng magnitude 5.5 na lindol ang Davao Occidental kaninang umaga.

Sa ngayon ay walang iniulat na pinsala.


Gayunman, nakaantabay naman ang mga awtoridad sa posibleng aftershocks.

 
 

ni Lolet Abania | January 22, 2021




Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang Davao Occidental ngayong Biyernes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).


Ayon sa PHIVOLCS, ito ay aftershock matapos ang pagyanig ng magnitude 7.1 na lindol sa nasabing lugar kagabi.


Isang tectonic ang lindol na tumama sa Jose Abad Santos ng alas-6:45 ng gabi ngayong araw na may lalim na 114 kilometro.


Wala namang naitalang pinsala matapos ang lindol.


Patuloy na pinapayuhan ng ahensiya ang publiko na maging mapagmatyag at mag-ingat sa anumang oras.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page