top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | November 3, 2021



Dead-on-the-spot ang isang 47-anyos na lalaki sa Kiblawan, Davao del Sur matapos tagain ang kaniyang leeg.


Nangyari ang krimen noong Linggo sa Barangay Cogon Bacaca.


Kinilala ang biktima na si Joland Mohado habang ang suspek na si Edgar Lore ay sumuko naman sa pulisya.


Batay sa salaysay ni Lore, nanonood siya ng telebisyon sa bahay nang may marinig siyang kalabog na dahil umano sa inihagis na bato.


Matapos nito ay lumabas siya at nakita ng suspek sa labas si Mohado na nakainom umano ng alak.


Inamin ni Lore na nagalit siya at kinuha ang kanyang karit at hinabol si Mohado hanggang tinamaan ng karit ang leeg ng biktima.


Ayon sa pulisya, nang bumagsak ang biktima ay tinaga pa ng suspek ang leeg nito.


Nakumpiska ng pulisya ang ginamit na karit na wala nang dugo.


Sa ngayon ay nakakulong na sa Kiblawan police station ang suspek at inihahanda na ang kasong kriminal na haharapin nito.

 
 

ni Lolet Abania | June 10, 2021



Pumanaw na si Davao del Sur Governor Douglas Cagas ngayong Huwebes nang umaga dahil sa kumplikasyon ng COVID-19, ayon sa kanyang pamilya.


“It is with our deepest sorrow that we announce the passing of Governor Douglas“Dodo” Cagas this morning, owing to COVID complications. He has joined his Creator in heaven,” post ng pamilya sa Facebook account ng provincial government.


Isinugod si Cagas sa Medical Center of Digos Cooperative Hospital noong June 3, matapos na makaramdam ng hirap sa paghinga. Gayunman, ayon sa mga doktor, maayos na ang kanyang mga vital signs at nakarekober.



“He was the loving husband of Congresswoman Didi and father to Vice-Governor Marc Douglas. But not only that, he was also a brother, uncle, advisor and friend to many,” dagdag na pahayag ng pamilya.


Puno ng dedikasyon si Cagas bilang public servant at naging inspirasyon ang kanyang buhay sa marami.


Ayon sa pamilya, maraming natapos na proyekto si Governor Dodo para sa ikagaganda ng lalawigan na magpapaalala rin sa kanila ng kanyang mga nagawa.


Nasa ikalawang termino si Cagas bilang provincial chief executive ng Davao del Sur.


Dinala na ang labi ni Cagas sa Davao City para sa cremation.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 6, 2021



Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Davao del Sur ngayong Huwebes, alas-2:21 nang hapon, ayon sa tala ng PHIVOLCS.


Naitala ang epicenter ng lindol sa 06.78°N, 125.09°E - 007 kilometers N 69° W ng Magsaysay, Davao Del Sur at ang lalim naman nito ay 020 km.


Naramdaman din ang Intensity V sa Koronadal City, Intensity IV sa Bansalan, Matanao, Hagonoy at Padada, Davao Del Sur; Davao City; Digos City; Kidapawan City; Tupi, South Cotabato, Intensity III sa Lake Sebu at Tampakan, South Cotabato; Antipas, Kabacan, Matalam, M'lang, Cotabato; Columbio at Kalamansig, Sultan Kudarat, at Intensity II sa Pikit Cotabato; Isulan, Sultan Kudarat; Alabel Sarangani; at General Santos City.


Nagbabala rin ang PHIVOLCS sa posibleng aftershocks.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page