top of page
Search

ni Lolet Abania | June 14, 2021




Nakatakdang ilunsad ng Commission on Elections (Comelec) ang isang mobile application na layong mapabilis ang pagpoproseso ng voter registration na gaganapin bukas, Martes.


Sa isang press statement ngayong araw, tinawag ito ng Comelec na Mobile Registration Form App na ilulunsad sa Tagum City, Davao del Norte. “This mobile app can be accessed with any smartphone even when offline,” pahayag ng Comelec.


Si Commissioner Marlon Casquejo ang nag-conceptualize ng naturang proyekto. “The launch of the mobile app is very timely in the face of mobility restrictions brought about by COVID-19, because you will only need a smartphone to accomplish the form. This will save time, effort and money that will otherwise be spent on going to a computer shop to download and print the form, or getting the form at the local COMELEC to fill it out manually,” ani Casquejo.


“A QR Code is generated upon successful accomplishment of the form. You must save the QR Code on your smartphone, and afterwards, you may visit your local COMELEC office to have your QR Code scanned and your biometrics taken,” dagdag ni Casquejo.


Maaaring i-download ang Mobile Registration Form App sa pamamagitan ng link na bit.ly/MobileFormApp. Puwedeng ring i-share kahit offline mula sa isang Android smartphone sa isa pa gamit naman ang SHAREit o anumang file-sharing application.


Kapag na-install na, ang isang user ay maaari nang mag-apply para sa voter registration nang hindi nangangailangan ng internet connectivity. Ayon pa sa Comelec, ang app ay inilunsad na sa mga piling lugar nito lamang Hunyo. Kasalukuyan na itong ipinatutupad sa mahigit 500 lungsod at munisipalidad sa buong bansa, kabilang na ang National Capital Region (NCR), Cebu City at Davao City.


Naglabas din ang Comelec ng steps para sa paggamit ng Mobile Registration Form App, ayon sa mga sumusunod:

1. Open the mobile app, and tap “Get Started.”

2. Select the desired type of application and tap “Proceed.”

3. Input all the necessary personal information.

4. Confirm your personal information by ticking the checkbox.

5. Tap “Generate QR Code” and “Save” to save it in your phone gallery.

6. Bring a valid ID upon visiting your local COMELEC office for your QR Code scanning.”


“For any question or clarification about the mobile app, our Voter Care Center hotlines on mobile (+63 927 5595 926), Facebook and Twitter are open to the public,” ayon naman kay Comelec Spokesperson James Jimenez.



 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 27, 2021




Suspendido ang ilang operasyon at serbisyo sa opisina ng Santo Tomas, Davao del Norte, matapos magpositibo sa COVID-19 ang 7 government employees.


Batay sa ulat, nagsimula ang work suspension pasado ala-una ng hapon kahapon at inaasahang magtatapos bukas, May 28.


Ayon pa kay Municipal Information Officer Mart Sambalud, hindi kasama sa suspensiyon ang mga department na may kinalaman sa disaster, emergency, rescue, health, information at social services katulad ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRM), Municipal Health Center (MHC), at ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).


Ilulunsad din ang work-from-home arrangement sa ilang department upang maiwasan ang mabilis na hawahan sa opisina.


"Queries and appointments from the public will be channeled through the Facebook pages of the various offices of the Santo Tomas LGU, public hotline directories, and other social media platforms to avoid person-to-person transmission of the virus," sabi pa ni Sambalud.


Sa ngayon ay dini-disinfect muna ang lahat ng pasilidad sa bawat department upang hindi na kumalat ang virus.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page