top of page
Search

ni Zel Fernandez | May 1, 2022



Isinailalim sa state of calamity ang pamahalaang bayan ng Santo Tomas sa Davao del Norte bunsod ng matinding pinsala sanhi ng matinding buhos ng ulan nitong nagdaang linggo.


Alinsunod sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction Council, ang idineklarang state of calamity sa probinsiya ay kasunod ng ipinasang resolusyon ng Sangguniang Bayan, ayon kay Municipal Information Officer Mart Sambalud.


Kaugnay ito ng layuning magamit ang quick response fund (QRF) para disaster relief at rehabilitation efforts.


Batay sa kanilang datos, umabot umano sa P15.9 milyon ang pinsala sa agricultural crops at livestock, kasama na rin ang P1.65 milyon halaga ng nasalantang mga ektarya ng lupain.


Samantala, tinatayang aabot naman umano sa P3.065 million ang halaga ng pinsala sa mga imprastraktura at kalsada at aabutin sa P25.9 milyon ang halaga ng magiging rehabilitasyon nito.



 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | December 2, 2021



Pinailawan na ang pinakamataas umanong Christmas tree sa bansa na matatagpuan sa Tagum City, Davao del Norte.


Ayon sa pamahalaang lokal, ang naturang Christmas tree ay may taas na 195 feet.


Punong-puno ito ng makulay na ilaw at disenyo na lalong nagpaganda rito.


Ayon kay Tagum City Mayor Allan Rellon, bagaman hindi mahalaga ang ceremonial lighting ng Christmas tree sa gitna ng pandemya, naghahatid pa rin ito ng saya at pag-asa sa mga mamamayan na manunumbalik sa normal ang sitwasyon.


Nakabantay sa paligid ang mga marshall para masigurong nasusunod ang health protocols.


Maaring makapagpa-picture ang mga residente sa Christmas icons sa city hall araw-araw tuwing alas-6 hanggang alas-10 ng gabi.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 17, 2021



Idineklara ang diarrhea outbreak sa Barangay Tulalian, Davao del Norte ngayong Sabado matapos maitala ang 171 cases sa naturang lugar at isa ang pumanaw.


Kaagad inatasan nina Mayor Ernesto Evangelista at Municipal Administrator Atty. Elisa Evangelista-Lapiña ang Municipal Health Office (MHO) na pinangunahan ni Dr. June P. Lim na magpadala ng mga personnel para sa atensiyong medikal ng mga residente.


Ayon kay Lim, na-diagnose ang mga residente ng Acute Diarrhea Secondary to Amoebiasis at sa 171 naitalang kaso, 24 cases ang binubuo ng mga edad 1 hanggang 5, 43 cases ang binubuo ng anim hanggang 15-anyos, 29 cases ang binubuo ng 16 hanggang 25-anyos, 27 cases ang binubuo ng 26 hanggang 40-anyos, at 48 cases ang binubuo ng 40-anyos pataas.


Ayon sa MHO ngayong Sabado, binawian ng buhay ang isang residenteng 58-anyos na lalaki na nakaranas ng pananakit ng tiyan, pagsusuka, at pagtatae.


Nasa 47 residente naman ang isinugod sa ospital.


Samantala, ayon sa ulat ng Environment Sanitation Report ng MHO Sanitation Team, posibleng kontaminadong tubig ang dahilan ng insidente dahil sa “poor chlorine disinfection” sa water source ng lugar.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page