top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 5, 2021




Pansamantalang pinagbabawalan ang mga residente mula sa NCR Plus areas, Cebu City, at Davao City na pumunta sa Region VI hanggang sa April 10, ayon sa inilabas na pahayag ng Malacañang ngayong Lunes.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ay base sa inihaing rekomendasyon ng mga local officials ng Region VI dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.


Ang NCR Plus ay binubuo ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.


Samantala, noong Linggo, pumalo na sa 795,051 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 646,100 ang mga gumaling na at 13,425 ang mga pumanaw.

 
 
  • BULGAR
  • Nov 20, 2020

ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 20, 2020




Isinailalim muli ang Davao City sa general community quarantine (GCQ) simula ngayong Biyernes hanggang sa November 30 dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19, ayon sa Malacañang.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magtatayo ng One Hospital Command Center sa lungsod upang masiguro ang “efficient referral system.”


Ipinag-utos din sa mga pampribadong ospital na dagdagan sa 20% hanggang 30% ang kanilang ward bed capacity.


Saad ni Roque, “Further, efforts will be made to address the shortage of nurses in health facilities and to provide additional high-oxygen cannula, favipiravir (Avigan), remdesivir, medical equipment, among others.”

 
 

ni Thea Janica Teh | September 8, 2020




Pormal nang idineklara ngayong Martes ang Davao City bilang Cacao Capital of the Philippines ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar.

Ayon sa DA, ito ang top producer ng cacao beans sa buong rehiyon. Sa katunayan ay nakagagawa ang Davao City ng 2,289.74 metric tons (MT) ng cacao o 38% ng regional share noong isang taon.

Bukod pa rito, nakamit na rin nito ang 5,960.23 (MT) o 70.21% ng total national output. Ito ay mula sa pinagsama-samang cacao ng Davao del Sur, Davao del Norte, Davao de Oro, Davao Occidental at Davao Oriental.

Ang cacao beans ng Davao City ay kinilala dahil nasama ito sa top 50 samples ng Cocoa of Excellence Programme noong 2017. Ito ay isang entry point para sa International Cocoa Awards sa Paris, France. Pang-world-class din ang cacao beans na ito na humihilera sa chocolate maker na bansa tulad ng US, Japan at Europe.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page