top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 26, 2021



Nailibing na si dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III sa Manila Memorial Park sa Parañaque City ngayong Sabado nang hapon.


Inilagak ang abo ni ex-P-Noy sa tabi ng puntod ng kanyang mga magulang na sina Benigno Aquino Jr. at dating Pangulong Corazon Aquino.


Bago ito ay binigyan ng arrival/military honors ang dating pangulo pagdating sa Memorial Park mula sa Church of Gesu ng Ateneo de Manila University kung saan idinaos ang funeral mass kung saan si Lingayen, Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang nagbigay ng Homily.



Daan-daan ang nagluksa at nakiramay sa magkakapatid na Aquino na sina Kris Aquino, Victoria Elisa Aquino-Dee, Ballsy Aquino-Cruz, at Pinky Aquino-Abellada at karamihan sa mga ito ay nakasuot ng itim at dilaw na damit. May iba ring nagdala ng kulay dilaw na ribbon.


Samantala, nagsagawa rin ng water salute ang Bureau of Fire Protection para sa dating pangulo.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 24, 2021



Pumanaw na si dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ngayong Huwebes nang umaga sa edad na 61.


Habang isinusulat ang balitang ito, hindi pa malinaw kung ano ang ikinamatay ni ex-Pres. Noynoy ngunit una nang naiulat na isinugod umano siya sa Capitol Medical Center sa Quezon City.


Nakita rin ang pagdating ng kapatid ni Noynoy na si Kris Aquino sa nasabing ospital bandang alas-9 nang umaga.


Saad ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen, “It is with profound sadness that I learned this morning the passing of former President Benigno S. Aquino III.


“I knew him to be a kind man, driven by his passion to serve our people, diligent in his duties and with an avid and consuming curiosity about new knowledge and the world in general.”


Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang pamilya Aquino ukol sa insidente.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page