top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | Dec. 1, 2024



Photo: Daniel Padilla - IG @supremodp


First time humarap ni Daniel Padilla sa press people magmula nang mag-break sila ng 11 years girlfriend na si Kathryn Bernardo sa mediacon ng Incognito.


Ang Incognito ay ang action serye niya with Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Kaila Estrada, Baron Geisler at ang isa sa mga hottest love teams ng taon na sina Maris Racal at Anthony Jennings. 


Ang lakas ng dating ng mga action scenes ng bagong action seryeng ito ng Star Creatives.


Natanong si Deejay kung papa'no siya nakumbinse na gawin ang nasabing action serye samantalang mas napapanood siya ng mga fans sa mga romantic and comedy project. Ani Deejay, “Iba ito sa mga una ko nang nagawa. It’s a new for me and masaya ako dahil ibang experience ito para sa ‘kin.”


Aniya pa, “Puwede ko na rin itong ipakita sa aking ama na isa ring kilalang action star.”

Ang Padilla pamilya kasi ay kilala bilang mahuhusay sa aksiyon. Tulad ng ama ni Deejay na si Rommel Padilla, lalung-lalo na ang tiyuhin niyang si Robin Padilla. Si Robin ay mas nakilala sa aksiyon na may temang pa-comedy pa.


Napag-alaman din namin na sina Ian at Richard ang nag-convince na gumawa sila ng aksiyon.


May trivia pa ring sinabi si Richard. Aniya, nagkita sila sa isang party at nagkausap. Nabanggit daw niya kay Deejay na "Gawa tayo ng aksiyon one time."

Hindi raw akalain ni Richard na matutupad agad 'yun.


Anyway, ang agang natapos ng mediacon ng Incognito. Hindi na kasi nagpaunlak ang ABS-CBN na mag-one-on-one interview ang mga lead stars.


Ang dami tuloy nanghinayang lalo na at hot topic ang dalawang actors na sina Deejay at Richard.


Iginalang naman ng press people ang desisyon ng network.

Well, sana sa next mediacon nila ay pumayag na silang mainterbyu ang kanilang mga

artista.


Unang mapapanood ang Incognito sa January 17, 2025 sa Netflix. Mapapanood din ito sa iWantTFC at sa free TV.


First time ring napanood ng all cast ang pinaghirapan nilang action serye na ang ibang eksena ay sa Italy pa kinunan.


Lahat sila ay na-amaze sa trailer na ipinakita dahil sa ganda ng pagkakagawa.

Komento ng netizen, “Ang ganda!!!"


"Bagay si Daniel sa action, in fairness. At least solo era na s’ya, hindi puro pakilig lang. Galing na galing silang lahat talaga kay Daniel sa action. Angas nu'ng Kaila sa action scenes, pero 'yung pagtakbo, takbong mahinhin. Hehehe!”


Pansin naman ng isang commenter, “Ba't parang nalosyang na si Daniel? Dapat dito, nagpapaguwapo, eh.”


"He definitely lost his shine.”


 

Jampacked ang concert ni JK Labajo na ginanap last November 29 sa MOA Arena.

Napakasimple ng concept na ginawa ni Direk Paolo Valenciano. Ang suwerte ng mga taong nasa labas ng MOA Arena dahil nakita nilang kumakanta si JK. 


Nakipagsabayan talaga ang former The Voice Kids (TVK) product sa mga may concert din na may big names that night.


Guest ng singer sina Janine Berdin, Gloc 9, Moira dela Torre, Zid, at si Paolo ng Ben & Ben.


Komento nga ng aming colleague na si Jojo Panaligan, “Maraming pinalagan na concert norms si JK Labajo tonight na mapapailing ka na lang habang nakangiti at binabalik-balikan ang mga kaganapan, on your way out and home. What an artist. Matapang.”


Marami rin kaming narinig nang maglabasan na ang audience after the show.


“Grabe! Iba ang atake ni JK. Made na nga s’ya as a good performer.”


“He’s a versatile artist. Walang-wala 'yung isang kasabayan niya noon sa The Voice Kids (huh, sino kaya ang tinutukoy nila?)"


Anyway, congratulations, JK and Nathan Studios Team na producer ng first major concert ng singer. 

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 24, 2024




Muling pipirma ng kontrata sa Star Magic at Kapamilya Network ang aktor na si Daniel Padilla pero mas curious ang madlang pipol kung totoo ang usap-usapang tatalon na ng “Crown Artists Management” ng mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nuñez ang aktres na si Kathryn Bernardo.


Kamakailan nga ay umugong ang mga tsikang aalis na ang aktres sa Star Magic at wala pa ring post si MJ Felipe na nu'ng nakaraan nga ay kinumpirma ang muling pagpirma ni Daniel sa susunod na buwan sa kanilang kinalakihang network.


Dumagdag pa sa ingay ng mga Marites ang artikulo ng PEP Troika na may posibilidad daw na CAM na ang magma-manage kay Kath.


Magkakaroon na nga ng mas malawak na oportunidad para sa aktres dahil maaari na siyang gumawa ng mga proyekto sa labas ng ABS-CBN at Star Cinema kung totoo man ang mga tsismis.


Matatandaang nilinaw ng ina ni Kath na si Min Bernardo na hindi aalis sa Kapamilya Network ang award-winning actress matapos ang isyu ng hiwalayan nila ni Deej.


Wala pa namang pahayag si Kathryn at tahimik lang ang Star Magic, ABS-CBN, pati na ang CAM sa mga tsismis.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 18, 2023




True nga kaya ang kumakalat na usap-usapan ngayon na may alam daw si Seth Fedelin sa naging “one-time fling” nina Andrea Brillantes at Daniel Padilla?


Inispluk ng Philippine Entertainment Portal o PEP na meron silang apat na reliable sources at ang isa rito ang nagbulong ng tsikang nag-usap umano nang personal sina Andrea at Kathryn upang magkaaminan sa nasabing isyu, na may namamagitan nga sa kanila ni Deej.


Unang lumapit daw si Andrea para personal na makausap ang aktres na nangyari bandang madaling-araw sa opisina ni Kath sa Quezon City.


Ipinasilip daw ni Andrea ang palitan nila ng mensahe ng noon ay nobyo ni Kathryn na si DJ.  Parte pa nga raw ng mensahe ng dating nobyo ng aktres ay ang pagpapaalala nito kay Andrea na ayusin ang isang nakakaalam ng ginawa nilang dalawa na walang iba kundi si Seth.


Taong 2021, buwan ng Nobyembre raw nu'ng unang nagkaroon ng ugnayan sina Andrea at Deej, na tiyempong cool-off naman ang aktres sa kanyang dating nobyo na si Seth. 


Wala mang pahayag ang mga nasabing panig sa mga kumakalat na tsismis para linawin na ito sa madlang pipol, tatlo pa sa apat na sources ng PEP.ph ang may parehas na kuwento sa naunang source.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page