ni Angela Fernando @News | Dec. 7, 2024
File Photo: KADIWA
Pinagtibay ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Agriculture (DA) ang kanilang pagsasanib-pwersa upang pabilisin ang pagpapalawak ng Kadiwa ng Pangulo (KNP) program sa buong bansa.
Pormal na nilagdaan nu'ng Biyernes ang isang memorandum of understanding (MOU) na naglalayong ipatupad ang KNP kasabay ng Integrated Livelihood Program (DILP) ng DOLE.
Ayon kay DOLE Sec. Bienvenido Laguesma, isa sa mga pangunahing layunin ng partnership na ito ay ang pagtatayo ng Kadiwa stores sa mga lugar na may mataas na bilang ng manggagawa, upang mas maging abot-kamay ang mga serbisyo at murang produkto para sa mga pamilyang Pinoy.