top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 1, 2024




Patay ang isang lalaki matapos na saksakin ng lalaking nakapikunan sa Tondo, Maynila.


Nahuli cam sa isang CCTV sa Sta. Catalina St., Brgy. 102 ang paghahabulan ng biktimang si Ronaldo Hipolito at ang suspek na kinilalang si Jonathan Ferrer.


Napaupo pa ang biktima matapos na saksakin ni Ferrer.


Nagkapikunan ang dalawa matapos na magtanong ang biktima sa suspek na nauwi sa pagtatalo, ayon sa Chief ng Investigation and Intelligence ng Raxabago Police Station na si Police Capt. Jayson Viola.


Umuwi pa ng bahay ang suspek matapos na humandusay ng biktima at binalikan nito si Hipolito para saksakin.


Tinamaan ang tagiliran ng biktima na agad na nadala sa ospital ngunit dead on arrival.


Ayon sa mga kamaganak ng biktima, magkakilala raw ang dalawa ngunit hindi nila alam na may alitan ang mga ito.


Naaresto si Ferrer na dati nang nakulong sa kasong frustrated murder at itinatanggi nitong sinaksak niya ang biktima.


Kinumpirma naman ng pulisya na may mga nakasaksi sa nangyaring pananaksak.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 11, 2023




Sinugod sa ospital ang isang driver ng pickup truck matapos na hatawin ng baseball bat ng isang rider na nakaalitan niya sa kalye sa Diversion Road sa Mandurriao, Iloilo.


Nakasuot ng helmet ang suspek na binuksan ang pinto ng dala-dalang pickup ng driver at pinagpapalo ang biktima.


Wala pang inilalabas na report sa kung ano ang pinagmulan ng away ng dalawa.


Nakatakas naman agad ang hindi pa nakikilalang rider.

 
 

ni Eli San Miguel @News | October 12, 2023





Patay ang isang lalaki matapos siyang palakulin sa ulo habang nagdarasal sa simbahan sa Apalit, Pampanga noong Linggo ng gabi.


Kinilala ang biktima na si Franklin Quiamba na residente ng Larlin Village, Barangay Sampaloc, Apalit, Pampanga at ang suspek na si Fernando Llangco Gapuz, 56, residente ng Daliba Street, Karuhatan, Valenzuela City.


Ayon sa unang pagsisiyasat ng Apalit police, bago ang pangyayari ay nagsimba pa ang biktima. Ngunit hindi alam ng karamihan na may dala-dalang palakol ang isang 56-anyos na suspek, at bigla na lamang itong lumapit sa biktima para palakulin ito sa ulo.


"Itong isang miyembro nila allegedly during the investigation, ay may bumubulong daw sa kanya, na patayin niya yung isang kamiyembro... Ang problema, itong suspek natin, nakapasok siya sa church na may dala-dalang palakol na nakapasok doon, nakasilid doon sa bag, sa badminton bag, kaya hindi gaanong nahalata," pahayag ni PLt. Col Michael Riego.


Hindi na nakatakas ang suspek nang harangin siya ng mga kasamahan sa simbahan.


Dinala pa ang biktima sa Pampanga Premier Hospital, ngunit idineklara itong dead on arrival.


Sa ngayon, ang suspek ay nakakulong na sa istasyon ng pulisya ng Apalit at nahaharap na sa mga kaso ng pagpatay at paglabag sa Omnibus Election Code dahil sa dala-dalang patalim.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page