top of page
Search

ni Lolet Abania | August 29, 2020




Nagsimulang magpamahagi ng tradisyonal na Chinese herbal medicine, Lianhua Qingwen para sa mild COVID-19 patients sa mga nasasakupan, ang local government unit ng Cainta.


Ayon kay Mayor Keith Nieto, ibinigay ang naturang gamot matapos ang naging payo ng mga doktor o “strict doctor’s advice” sa kanila.


“Mayroong mga doktor na assigned for them to take it. They are mature enough to check on it and make sure it is something that has efficacy and that is not detrimental to their (patients’) health,” sabi ni Nieto.


Gayunman, sabi ni Nieto, ang gamot ay bilang supplements at hindi COVID-19 treatment para sa mga pasyente na sumasailalim sa home quarantine sa Cainta.


“Ang case nila ay mild to moderate. Lahat ng naka-home quarantine, may naka-assign na doktor sa kanila at tatawag sa kanila everyday. ‘Pag sinabi ng doktor na hindi, hindi. ‘Pag sinabi ng doktor na puwede, puwede,” ani Nieto.


“It’s really up to them because I trust them that based on their knowledge, they would exactly know how to treat and manage these COVID patients,” dagdag pa niya.


Gayundin, aprubado na ng Food and Drug Administration (FDA) ang Lianhua Qingwen na gamitin sa bansa upang gamutin ang mga may lung toxins, lagnat at iba pang katulad na sintomas.


Subalit, ayon kay FDA director general Eric Domingo, hindi pa ito inaprubahan bilang treatment para sa COVID-19.


Ipinaliwanag naman ni Dr. Philip Tan-Gaute, isang traditional medicine expert, na ang Lianhua Qingwen ay kombinasyon ng Chinese herbal formulas, na daang taon na at ginagamit upang gamutin ang pasyenteng may wheezing cough at sore throat.


"It can help alleviate the symptoms, shorten the treatment time, but not necessarily decrease the chance of progression to severe disease," sabi ni Tan-Gaute.


"These compounds from the herbs, they will alleviate the symptoms and help the body fight off the virus. It's still the body that does the job. Is it a useful treatment? With some cases, yes. Not all cases," dagdag pa ni Tan-Gaute.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 29, 2020



Tumanggap ang Pilipinas ng 100 new ventilators galing sa United States para sa pakikibaka ng bansa laban sa COVID-19 pandemic.


Si US Ambassador Sung Kim ang nag-turn over ng mga ventilators kay Executive Secretary Salvador Medialdea nitong Biyernes. Naroon din si Health Secretary Francisco Duque III.


Post pa ni Kim sa Twitter, "Proud to deliver 100 brand-new, state-of-the-art ventilators to Philippine government. Part of our strong support for Philippines’ #COVID19 response, these life-saving ventilators were made specifically for our #FriendsPartnersAllies.


Nagpasalamat din si Duque sa US at aniya, “Thank you to the US Government through USAID, its Misssion Director Lawrence Hardy II and U.S. Ambassador Sung Kim for your generous donation to the Philippines. 100 brand-new and state-of-the-art ventilators and accompanying supplies are on their way to our COVID19 hospitals.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page