top of page
Search

Nadagdag ang pangalan ni modern pentathlon coach Valery Ilyin ng Russia sa mahabang listahan ng mga sports guru na pumanaw bunga ng COVID-19. Ang Ruso ay 72-taong-gulang.

Si Ilyin, isang dating disipulo ng fencing, ay laman ng Central Army Club sa Moscow kung saan niya ginagabayan ang mga modern pentathletes. Kasama sa kanila si Svetlana Yakovleva na naging isang world champion (1984) at si Tatyana Chermetskaya na nakasikwat ng ginto sa Goodwill Games (1986).

Kamakailan, binawian na rin ng buhay ang Albanian national boxing coach na si Skender Kurti dahil sa rin sa corona virus sa edad na 61. Pumanaw si Kurti habang nasa Infectious Diseases Hospital matapos itong ma-confine dahil sa hypertension. Buwan pa ng Marso ito nang ipasok ito sa pagamutan. Maliban kay Kurti, isa ring Russian wrestling coach (Magomed Aliomarov) at isang Swiss ski coach (Jaques Reymond) ang binawian din ng buhay dahil sa nakamamatay na virus.

Bukod pa sa kanila, kasama na sa listahan ng mga personalidad sa isports na nabiktima ng virus sina Teruyuki Okazaki, karate, Japan; modern pentathlete Robert Beck, USA; ang dating opisyal ng International Canoe Federation officer na si Marcel Venot (France), dating Japanese Olympic Committee offical (Matsushita Saburo, Japan), Antonio Melo, fencing, Venezuela; unang black boxing referee ng Olympics (Carmen Williamson, USA), Lukman Niode, swimming, Indonesia; at ang mga tracksters na sina Italian runners Donato Sabia at Francesco Perrone.

 
 

Kinumpirma ng hotelier at car racer na si Angelina Mead King ang pagsasara ng ilang mga branch ng Victoria Court na kanyang pag-aari.

Si Angie ang nagmamay-ari sa southern branches ng Victoria Court habang ang kapatid niyang si Atticus King naman ang sa northern branches.

Sa kanyang video, binanggit ni Angie ang pagkalugi na ng negosyo dahil sa COVID-19 pandemic.

Kaugnay nito, sa kanyang mensahe para sa mga empleyado ng hotel, sinabi ni Angie na naging mahirap para sa kanya ang pagdedesisyon.

Ihahanda na rin aniya ang retirement at retrenchment packages para sa mga empleyado na makatutulong sa kanila sa susunod na mga buwan.

 
 

Beth Gelena / Bulgary Files

Hindi nakatiis si Alex Gonzaga na 'di sagutin ang kanyang mga bashers. Sinabihan kasi si Alex na umalis sa social media dahil wala naman daw kakuwenta-kuwenta ang kanyang character at ginagamit lang ang popularidad nito para maka-attract ng mga viewers.

Tweet ni Alex, “Kung claim mo na ayaw mo du'n sa tao, I suggest that u stop watching their every move and then stop overreacting about it? ‘Coz that’s not even healthy. Ang sad!”

Sinabihan pa niya itong “Protect your mental health.”

Sa dami ng mga followers ni Alex sa socmed, sinuportahan siya ng mga ito at kinuyog ang bashers.

Naapektuhan ang basher kaya bumuwelta pa rin ng pagtu-tweet sa youngest sister ni Toni.

“Alam mo, mas okay kung nag-tweet ka na lang about sa hindi pa rin nakakatanggap ng ayuda or mga biktima ng abuse this quarantine. Ang laki ng platform mo, 'teh, pero walang kuwenta.”

Sinundan pa ito ng “Kung puro ka ganyan, mag-deactivate ka na lang. Walang character development.”

Dinepensahan naman ni Alex ang sarili at maging ang kanyang pamilya. Tumutulong daw sila sa mga taong naapektuhan ng COVID-19.

“One example: YES marami pang 'di nabibigyan ng ayuda kaya sa makakaya ng pamilya namin, pinipilit namin na tuluy-tuloy na tumulong. In our business, we are trying our best and finding ways not to lay off people kahit matagal walang sales. Character devt. is not cursing someone in Twitter.”

Pagpapatuloy pa ni Alex, “You’re not even following, and yet you’re tweeting me. See. Nabuwisit ka pa tuloy ng taong buwisit ka na to begin with dahil feeling mo 'di kayo pareho ng ipinaglalaban. Out of sight, out of mind.”

“I-tweet mo na lang 'yung ipinaglalaban mo kaysa mang-away ka. I still appreciate you,” huling sabi ni Alex.

Isang netizen naman ang nag-call ng attention ni Alex. Aniya, “I honestly find Alex Gonzaga annoying 'coz she does not know how to limit giving insensitive remarks."

Isa namang netizen ang nagsabi na ang pangalan ni Alex Gonzaga ay “Synonymous with being bobo, moron, stupid and insensitive.”

Nalulungkot daw siya para sa fiancé ni Alex at sana raw ay matauhan.

“The guy deserves much better.”

Awww!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page